Mahigpit ang hawak ni Christina sa stick ng hotdog habang nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla. Hindi ma-proseso ng isip niya kung ano ang nangyari at lalong hindi niya alam kung nilalaro lamang ba siya ng kanyang guni-guni. Pero dilat na dilat siya at kahit nanginginig ang buong katawan at ang labi niya ay ramdam niya ang malambot na labi ni Gibson sa kanyang mga labi.
Nang alisin nito ang labi sa kanya at marahang haplusin iyon ay bahagyang napa-awang ang kanyang labi bagay na ikinangiti ni Gibson.
"I've been longing to kiss this lips for quite some time now."
Sa sinabing iyon ni Gibson ay lalong nanlaki ang mga mata ni Christina buhat sa pagkakatitig dito. Mabilis niyang ipinaling ang ulo upang iwasan ang mga mata nito at marahil ay upang itago na rin ang nararamdamang hiya. Kumakabog nang malakas ang kanyang puso sa punto na masakit na iyon sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang unang dapat na pagtuunan ng atensyon sa samut saring pakiramdam na kasalukuyang nagsasalimbayan sa kanyang katawan.
"What's wrong? Was it bad?"
Bahagyang sinilip ni Christina si Gibson na nakatingin sa kanya habang naglalaro ang pilyong ngiti sa labi nito. Kagat labing umiling nang bahagya ang dalaga. Paano niya sasabihin at ipapaalam dito na hindi niya alam kung paano masasabing hindi iyon masama gayong iyon ang kauna-unahang pagka-kataon na may labing dumampi sa kanyang mga labi. Nang muling silipin ni Christina si Gibson ay tila ba noon lamang nito nahinuha ang ikinahihiya o ikinababagabag niya. Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi nito kasabay ng pagkabigla.
Nilaru-laro ni Christina ang suot na alampay. Doon itinutuon ang nararamdamang tensyon. Hindi niya alam kung ano iniisip ni Gibson. Sa reaksyon nito ay paniguradong alam na nito na iyon ang kanyang unang halik kung kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya. Pero dismayado ba ito? Dahil nasisiguro niyang kumpara sa mga babaing dumaan sa buhay nito ay paniguradong wala siyang binatbat.
Magsasalita na sana si Christina nang mag-ring namang ang cellphone ni Gibson. Dinukot nito iyon sa bulsa ng suot na trouser upang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Stay here, sasagutin ko lang ito sandali."
Paalam nito sa kanya. Hindi na siya nito hinintay na sumagot sa halip ay naglakad na ito palayo sa kanya. Walang nagawa si Christina kung hindi sundan nang tingin ang papalayo nitong pigura.
Upang iwaksi ang isipan sa nangyari ay itinuon na lamang ng dalaga ang pansin sa nagaganap na kasiyahan. Malakas ang apoy na nagmumula sa bonfire habang may mga bakasyunista namang nakaupo sa paligid niyon, samantalang ang iba ay malilikot na sumasabay na tugtugin. Nanatili si Christina kung saan siya iniwan ni Gibson habang pinagsasawa ang mga mata sa ganda ng paligid kahit na maingay ng mga oras na iyon.
Ilang sandali pa ang lumipas at nakakaramdam na ng pangangalay ng binti ang dalaga kung nagdisisyon siyang maglakad-lakad na lamang. Hindi naman siya lalayo ng malayo at kahit na maraming tao ay sisiguruhin niyang madali lamang siyang makikita no Gibson kung sakaling hanapin siya nito. Subalit hindi na yata niya kailangang mag-hintay at magpahanap pa sapagkat mula sa may kadilimang bahagi ng dalampasigan ay dinig na niya ang boses na iyon ni Gibson. Nakatayo ito sa ilalim ng puno ng buko habang nakikipag-usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya.
Dapat ay hindi siya parang isang stalker doon na tahimik na nagmamasid,subalit hindi magawang igalaw ng dalaga ang kanyang mga binti. Marahil ay naramdaman ni Gibson ang presensya niya kung kaya lumingon ito sa kanyang direksyon.
"I have to hang up now. I'll see you soon."
Putol nito sa tawag bago marahang humakbang patungo kay Christina.
"Kanina ka pa ba diyan?"
"H-hindi naman.."
Sagot ng dalaga na hindi mahiwalayan ng tingin ang kaharap. Mula sa pagkakayuko kay Christina ay ibinaling ni Gibson ang mga mata sa dagat.
"Wanna swim?"
Kaipala'y tanong niya sa natutulalang dalaga. Gaya ng inaasahan ay natigilan ito at mabilis na umiling.
"Why not, the water is not that cold.."
"H-hindi kase ako-"
Nahigit ni Christina ang hininga ng hablutin ni Gibson ang kanyang kamay at akayin patungo sa dalampasigan. Sinubukang bawiin ng dalaga ang kanyang kamay at pigilin ito subalit mahigpit ang hawak nito sa kanya at halos takbuhin nila ang dagat.
" Hindi ako marunong."
Palahaw niya ng ilang hakbang na lang ang layo nila sa tubig.
"Worry not, I can still swim with this leg."
"Pero.."
Mabilis na hinubad ni Gibson ang suot na polo at sando. Huhubarin na rin sana niya ang pang-ibabang kasuotan nang pigilan siya ni Christina gamit ang dalawang kamay.
"Anong ginagawa mo?"
Tila na-e-eskandalong tanong nito.
"Stripping? Do you expect me to swim with my clothes on?"
Sagot naman ni Gibson bago tuluyang ibinaba ang suot na trouser kaya kaagad na tumalikod si Christina. Gumapang ang init sa kanyang mukha sa isiping halos hubad na ito sa kanyang likuran.
"Come on now Christina. The salt water is really good.."
Bulong nito sa kanyang tenga kaya pakiramdam niya ay nag-tayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan.
"Ikaw na lang. Hindi ako marunong lumangoy."
"I can teach you..you know."
Sa pagharap niya ay ang hubad nitong katawan ang kaagad na bumungad sa kanyang paningin. Ang malapad nitong balikat at dibdib hanggang sa flat nitong tiyan. Hindi ito kagaya ng mga napa-panood niya sa telebisyon na tila may mga pandesal sa katawan. He is lean and well built. Lalong nag-init ang mukha niya nang bumaba ang mga mata niya sa suot nitong boxer brief. Kung hindi lamang siguro na-amputate ang binti nito paniguradong higit na makatawag pansin ang pisikal na katangian nito. Subalit para kay Christina ay tila ang prosthetic leg nito ang tila mas nakapag-padagdag sa dati ng taglay nitong karisma. O baka naman bias lang siya?
Kumawala ang impit na tili sa lalamunan ni Christina nang umangat ang mga paa niya sa lupa at animo siya isang sako ng bigas na binitbit ni Gibson mula sa balikat nito.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo na ako!"
Palahaw niya habang iwinawaksi ang pagkahilo mula sa pagkakalambitin niya sa likuran ni Gibson.
"Later.."
Natatawang sagot nito kasabay ng banayad na pag-palo sa kanyang pang-upo. Sa gulat ni Christina ay lalo siyang napa-tili at nagpupusag. Umahon ang kaba sa kanyang dibdib nang mapansin niya mula sa malamlam na liwanag na nasa tubig na sila.
"Pwede mo na akong ibaba,"
Pakiusap niya, subalit tila walang narinig si Gibson na patuloy pa rin sa paglakad patungo sa mas malalim na bahagi hanggang sa umabot na ang tubig sa bewang nito. Sa puntong iyon ay hindi bale nang nakasampay na lamang siya sa balikat ni Gibson.
" Huwag mo akong iba-baba.."
Nahihintakutan niyang sabi na sinagot lang nang pag-palatak nito.
"Ano ba talaga?"
Tila natutuwa pa nitong tanong. Mariing pinaglapat ni Christina ang labi. He find it amusing while she's really scared.
"Hindi ako nagbibiro Gibson! Umahon na tayo! Kung gusto mo ay ikaw na lamang ang mag-swimming."
Hindi niya maitago ang panic at ang nararamdamang inis, subalit sa halip na maalarma ay parang natawa pa ito sa kanya.
"You being mad is kinda hot."
Tukso pa nito sa kanya. Ikinuyom ni Christina ang kamay at handa na sanang muling kastiguhin ang lalaking tuwang-tuwa sa panunukso sa kanya at sa kawalan niya ng kaalaman sa pag-langoy.
"Hold on tight Tin."
Bago pa mahinuha ng dalaga ang sinabi nito ay naramdaman na lamang niya ang pag-bwelo ni Gibson at pag-dive nito na hindi siya binibitawan. Hindi na nakuha pang humugot ng hangin ni Christina. Marahas siyang napasinghap nang tumama sa kanyang balat ang malamig na tubig at tila isang tabo yata niyon ang nainom niya nang tuluyang silang bumulusok pailalim.
Bagaman nakakapit siya sa katawan ni Gibson at nakapulupot ang mga braso nito sa kanya ay hindi iyon naging sapat upang hindi makaramdam ng panic ang dalaga. Kung hindi siya kaagad iniahon nito ay malamang na puro tubig alat na ang laman ng kanyang tiyan. Masakit ang lalamunan at mata niya, at tila ba papanawan siya ng hininga anu mang oras sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Masamang-masama ang loob niya pero sa takot ay hindi niya magawang kumawala sa pagkakayapos sa katawan ni Gibson kung kaya nagkasya na lamang siya na manahimik.
"Hey.."
Tawag pansin ni Gibson kay Christina na nakapaling ang ulo. He must be out of his mind for pulling that kind of trick. He knew shes scared but he can't hold himself for teasing her. He tried to unhook her arms around his neck but she keep them on hold, clinging for dear life.
"Christina.."
Muling agaw pansin niya sa dalaga pero halos mabali na ang leeg nito huwag lamang mag-tagpo ang mga mukha nila. Marahang napabuntong - hininga si Gibson. Well, he can't blame her for being mad, but she's too cute that he can't contain himself for grinning and being a jerk.
"I'll drop you if you didn't look at me Tin."
Banta niya dito, at gaya ng inaasahan, mabilis na humarap sa kanya ang dalaga na puno ng takot ang mga mata. He unintentionally smiled when he saw the flicker of anger and annoyance through her eyes. What's gotten into him?