*"Natutuwa ka? Habang para na akong mamamatay dito nakukuha mo pang gawin akong katatawanan? Ganyan ka ba talaga?" *
Iyon sana ang nais isatinig ni Christina sa isip, subalit nanatiling nakapinid ang labi niya. Marahil ay nakagawian na niya ang ganoon. Ang kimkimin ang saloobin dahil na rin sa kanyang tatay Delio.
Nang sakupin ng palad ni Gibson ang kanyang panga at panatilihin siyang nakatingala dito ay pinilit niyang iiwas ang ulo, pero may kahigpitan ang pagkaka-hawak nito sa kanyang panga. Ang isang kamay nitong nakaalalay sa kanyang bewang ay lalong humapit sa katawan nito. Iyon ang unang beses na nadikit siya sa katawan ng isang lalake. Hindi lamang nadikit kun'di dikit na dikit na tila ba naka-lapat siya doon.
"Do you trust me?"
Matapos ang ilang sandaling titigan ay tanong ni Gibson. Nag-gatla ang guhit sa noo niya nang tila nalilitong umiling si Christina.
"I see.."
Ang tanging naisatinig ni Gibson. Hindi niya naman ito masisisi dahil simula yata ng tumuntong ang dalaga sa beach house ay wala siyang matinong nagawa dito. Hindi niya maitatwa sa sarili na may bahagi sa kanya ang nadismaya..nalungkot? Mapait siyang napangiti. Igigiya na sana niya si Christina patungo sa mababaw na bahagi nang maramdaman niya ang bahagyang pagdiin ng kapit nito sa kanyang balikat.
"Aahon na tayo. I'm sorry if I scared you. Don't worry, I won't do this kind of lame play with you.."
Paliwanag niya sa pag-aakalang inalihan na naman ito ng takot. Pero nagulat pa siya nang isubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib at magsalita. Subalit hindi niya iyon naintindihan.
" Did you say something? "
Tanong niya. At nang muling ulitin ni Christina ang sinabi ay napatitig pa siya dito bago tumaas ang sulok ng kanyang labi. *Gusto kita.. *
Mainit na mainit ang buong mukha ni Christina sa nadaramang hiya. Pakiramdam niya ay nanlalaki ang ulo niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya at naibulaslas niya iyon. Kanina lamang ay mas nangingibabaw ang inis niya para kay Gibson pero para iyong naglahong parang bula nang makita niya ang reaksyon nito sa sagot niya. Ang totoo ay malaki ang tiwala niya kay Gibson. Kaya nga wala siyang pagdadalawang isip na sumama dito. Hindi niya namamalayan na unti-unti o baka nga para itong snatcher na kaagad na nakuha sa kanya ang kanyang puso. Hindi niya kayang itanggi pa. Gusto niya ang binata. Gusto niya si Gibson.
Kumakabog ang puso niya sa pinagsamang hiya at takot. Hindi niya nakikita ang itsura ni Gibson dahil kulang na lamang ay ibaon niya ang mukha sa dibdib nito. Natatakot din siyang tumingin dito. He must have been laughing at her. What kind of a fool she must be for uttering such nonsense. She's his maid. She's a nobody. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Bakit ba kase na sabi-sabi niya iyon. Hindi lamang kahihiyan ng puso niya ang ibinandera niya dito. Nanganganib na rin ang trabaho niya.
"Look at me."
He said as gentle as he can. But Christina buried her face more.
"Christina!"
Muling tawag niya dito. May diin , may pagbabanta. Nang muli niyang subukan na itingala ito sa kanya ay naging mapagparaya na ang dalaga. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya.
"Say it again."
Malumanay niyang utos dito. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ni Christina at kita niya ang paulit-ulit na pagkagat nito sa labi.
"Say it."
He urge her, pulling her closer to him. His eyes scanned her face. She drunkenly stared at him and lick her trembling lips.
"G-gusto..gusto kita..sor-"
Nanlaki ang mga mata ni Christina nang walang babalang lumapat ang labi nito sa kanya. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan at tila namanhid ang bawat himaymay niyon. Lalong nanigas ang katawan niya nang gumalaw ang mga labi ni Gibson at tila nakakita ng pagkain doon.
Titig na titig siya kay Gibson at ganoon din ito sa kanya. Iyon ang pangalawang beses na hinalikan siya nito subalit hindi pa rin makasunod ang isip niya sa nangyayari.
"Close your eyes Tin.."
And she did. His lips gently pressed on her lip. This time she felt it. It's like a secret conversation that they gladly convey for each other. Gibson is a patient teacher. He didn't force him self to get what he can get, he waited for her to respond on her own accord and guide her through it instead. And when she did parted her lips and slowly nip his, he smiled contentedly.
"Cold?"
Tanong ni Gibson habang hawak-hawak ang kamay ni Christina. Kasalukuyan silang naglalakad pabalik sa beach house. Hindi na nila nagawang makabalik sa bonfire party sa halip ay iginugol niya ang oras upang harutin ang dalaga. Sinubukan niya itong turuang lumangoy subalit tila hindi nga yata para dito ang paglangoy.
"Medyo."
Sagot ni Christina na bahagyang nakabawi na sa kabiglaan ng mga pang-yayari. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang mga paa na walang sapin habang bitbit niya sa kaliwang kamay ang basa niyang damit. Nang muling maalala kung bakit ang suot na polo na lamang ni Gibson ang suot niya ay muli siyang pinamulahan.
Nang mag-prisinta si Gibson na turuan siya ng basic swimming ay ipinahubad nito sa kanya ang suot na damit. Hindi daw iyon aproriate at magiging hadlang lamang. Noong una ay ayaw pa ng dalaga pero ng takutin siya nito ay napilitan siyang hubarin iyon. Sinubukan niyang matuto sa mga itinuturo ni Gibson gaya na lamang ng floating. Pero ilang litro na yata ng tubig alat ang nainom niya ay hindi niya iyon makuha-kuha. Hanggang ang swimming lesson ay mauwi sa panghaharot nito sa kanya.
Pagdating nila sa beach house ay kaagad na dumiretso si Christina sa kanyang silid upang makapag-palit ng damit. Matapos makaligo ay tumaas ang kanyang tingin sa orasan. Nagulat pa siya nang makitang halos hating-gabi na. Hindi niya namalayan ang oras kasama si Gibson. Dinama ng kanyang daliri ang labi niya. Pakiramdam niya ay nalamog iyon sa paulit-ulit na pagkagat at pagdama doon ng labi ni Gibson. Medyo masakit iyon pero masarap sa pakiramdam. Marahas na napailing si Christina sa itinatakbo ng kanyang imahinasyon. Pero ang higit na umagaw sa atensyon niya ang pagtawag ni Gibson sa kanyang pangalan. Ilang beses siya nitong tinawag na *Tin* . Ito ang unang nagbigay sa kanya ng nickname dahil ang lahat ay tinatawag siya sa kung ano ang pangalan niya.
*Tulog na kaya siya?*
Tanong niya sa isip. Nakaupo siya sa dulong bahagi ng kanyang higaan at mukhang hindi pa siya dadalawin ng antok. Pabuntong-hiningang inihiga niya ang kalahati ng katawan para lamang muling mapabangon ng magulantang siya sa malakas na tunog mula sa kanyang cellphone.
Ikinurap-kurap niya ang mga mata sa pag-aakalang baka nilalaro lamang siya ng imahinasyon ng damputin niya iyon at mabasa ang caller ,pero ang patuloy na pag-iingay ng aparato ang nagpapatunay na hindi siya nag-iilusyon lamang. Bago pa masagot ni Christina ang tawag ay naputol na iyon. Awang ang labi at hindi makapaniwalang pinalampas niya ang pagka-kataon na makausap si Gibson gayong ito ang dahilan kung bakit hindi siya dinadalaw ng antok.
Palakad-lakad habang hawak ang kanyang cellphone ay nakikipag-debate si Christina sa kanyang sarili kung tatawagan ba niya si Gibson o kakatukin ito sa kanyang silid. Pero ayaw naman niyang magmukhang desperada,subalit ang pagnanais na makita ito at makasama kahit ilang saglit pa ay masyadong malakas. Mula sa pagiisip ng maaaring gawing alibi sa oras na tawagan niya ito ay muli siyang nabulabog sa pag-ring naman ng telepono. Hindi na rin pala niya kailangang mag-isip ng kung anong dahilan dahil si Gibson na mismo ang tumawag kay Christina.