Dala ang tray ng green tea na hiningi ni Gibson ay nakasimangot na kinatok ni Christina ang binata sa silid nito. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Nakapatong pa sa ulo nito ang tuwalya habang naka-alalay ang isang braso sa saklay at ang isang kamay ay hawak ang seradura ng pintuan.
"Come in Tin."
Maaliwalas ang mukhang pag-anyaya nito sa dalaga. Lumihis ito upang bigyan siya ng daan. Atubili man ay pumasok na nang tuluyan si Christina. Inilapag niya ang tray ng green tea sa side table nito at saka muling pumihit pabalik sa pintuan upang lumabas.
"And where do you think you are going?"
Pigil ni Gibson sa kanya na kaagad nakahawak sa kanyang siko.
"Lalabas na?"
"No you won't."
Umiiling na sabi ng binata sabay hila sa kanya. Parang kiniliti ang puso niya nang yumuko ito at kintalan siya ng halik sa kanyang noo bago siya akayin patungo sa kabilang side ng kama nito. Akma sana niya itong aalalayan pero nakangiting nilingon siya nito at sinabing ayos lamang ito. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo kaya hinayaan na lamang niyang ito ang umalalay sa kanya.
Napa-oh si Christina nang tumambad sa kanyang paningin ang malaking bean bag sa sahig. Hinila ni Gibson ang string ng malaking blinds. Iyon ang daan patungo sa balkonahe nito.
"Pwede mo bang dalin dito ang tsaa?"
Nang tumango si Christina ay binuksan naman niya ang sliding door. Umihip ang hangin dala ang simoy ng tubig dagat. Malinis ang langit sa ulap at tila buhangin sa dalampasigan ang mga bituin doon. For some odd reason, the night sky is different at that moment.
*Or everything seems to be different now..*
Anang isip niya nang mapansin ang dalaga patungo sa kanya bitbit ang tray.
Tahimik na minamasdan ni Christina ang mga bituin sa langit habang hawak ang tasa ng tsaa. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ni Gibson. Ilang na ilang man dahil ang bawat ginagawa nito ay bago sa kanya, hindi naman niya maitatanggi na gusto niya ang bawat *bago* na iyon.
"Aren't you afraid that I might devour you? Right here? Right now?"
Sa biglaang tanong na iyon ni Gibson ay nagkasamid-samid si Christina dahilan para matawa ito. Napigil niya ang pag-hinga nang pumulupot mula sa kanyang likuran ang mga braso nito at samyuin ang kanyang leeg.
" I won't do anything to you..not at the moment atleast.."
Mapaglarong sabi ni Gibson bago umayos ng upo.
"Anyway, babalik na ako sa Manila."
"Sa Maynila?"
Gulat na tanong ni Christina. Pipihit sana siya paharap kay Gibson pero pumisil ang mga kamay nito sa kanyang bewang. Wari niya ay nahulog ang puso niya sa kanyang tiyan sa narinig. Aalis si Gibson patungo sa Manila pero paano siya? Ibig bang sabihin nuon ay tapos na rin ang trabaho niya? Pero paano sila? Nanlamig siyang bigla sa reyalisasyon na wala naman silang relasyon ng binata. Siya ang makapal ang mukha na naglabas ng kanyang damdamin at hindi niya alam kung ano ang estado niya doon. Subalit ngayong aalis si Gibson ay patunay na in-entertaine lamang nito ang damdamin niya.
Habang nababalisa si Christina ay pinakikiramdaman naman siya ni Gibson. He meekly smile when he felt her stiffen from his hold. She's worried he can tell, so he grab her hand and like a missing puzzle her fingers fit perfectly from his.
"Of course sasama ka sa akin. Iyon ay kung, gusto mo lang naman. You have a choice -"
Hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang biglang humarap sa kanya si Christina at dambahin siya ng yakap. Sunod-sunod ang tango nito habang nakasubsob ang mukha sa kanyang leeg.
She's easy to please. Mababaw ang kaligayahan na minsan ay naiisip niya na, kung ibang tao kaya..ganito rin kaya ang dalaga? Posible kaya na ang nararamdaman nito para sa kanya ay maaari rin nitong maramdaman sa iba? Nagsalubong ang kilay niya sa isipin na iyon. He don't like the thought of it. May pag-angkin na siyang nararamdaman para dito pero hindi iyon sapat para masabi niyang gusto niya ito sa lebel na masasabi niyang baka may pagtingin na nga siya para dito. He is attracted to her. If he follow his thirst and cravings or lust? Will the attraction fade just like those other women from his past?
"A-ano-"
Nabaling ang atensyon ni Gibson kay Christina na bahagyang nakaangat ang ulo mula sa pagkakadagan sa kanya.
"Pwede bang umuwi muna ako sa amin bago tayo pumunta sa Manila? Dadalawin ko lang ang nanay."
"Sure. Pwede kitang samahan kung gusto mo."
"Hindi na!"
Mabilis na tanggi ng dalaga kaya nagtaka siya. Nang marahil ay makita nito ang gulat niya ay kaagad itong humingi ng dispensa.
"Ayaw ko lang na abalahin ka pa."
Nahihiyang paliwanag ni Christina bagaman bukod doon ay may mas malalim pa siyang dahilan.
"Well..if it's what you want, I'm fine with it."
Simpleng sagot naman ni Gibson sa kanya. Hindi nakaligtas kay Gibson ang pagbadha ng katiwasayan sa mukha ng dalaga na lalo niyang ikinataka. She's hiding something and it makes him drown to what she's keeping from him.
*There goes your curiosity again*.
Tuya ng bahagi ng isip niya.
Nang gabing iyon ay nakatulog si Christina katabi si Gibson sa bean bag. Iyon din ang unang gabi na payapa ang naging magdamag sa binata. He slept with other woman before, but they never bring comfort and peace. Those are just plain s*x that pass and forgotten the next day. But with Christina..with her it's a different story.
"Are you sure you don't want me to accompany you?"
Muling tanong ni Gibson habang hinihintay ni Christina si mang Damian sa labas ng beach house. Araw iyon ng pag-alis niya pauwi sa Ilo-ilo.
"Hindi na."
Nakangiting iling ng dalaga. Marahang tumango si Gibson at nang lumitaw si mang Damian upang ayain na si Christina patungo sa sasakyan upang maihatid sa pantalan ay doon nakaramdam ng pagkabalisa si Gibson.
"Call me from time to time Tin. And make sure that your phone is with you always."
"Yes sir."
Natatawang sagot ni Christina sabay saludo bago humalik sa sulok ng kanyang labi bagay na ikinagulat niya. Nang maglakad na patungo sa sasakyan si Christina at umalis iyon ay saka lamang siya pumasok sa loob ng beach house. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nag-dial.
"Hello Arman, I have a favor to ask."
Seryosong sabi ni Gibson sa kabilang linya nang masagot ang tawag niya.
Bitbit ang di-kalakihang maleta ay mahigpit na hinawakan ni Christina ang handle niyon. Halos wala pa siyang pahinga sa magdamag na byahe mula palawan patungong Ilo-ilo. Sa terminal ng bus kung saan hinihintay niya ang kanyang ninang Annie at si aling Concha na sinabihan niya ng kanyang pagdating ay hindi na mapagsidlan ang pananabik niyang makita ang ina. Kulang tatlong buwan din siya sa Palawan at malaki ang pasasalamat niya na pinagbigyan siya ni Gibson na umuwi muna upang makita ang mga mahal sa buhay bago sila magtungo sa Manila.
"Christina!"
Kaagad sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Christina nang pumaibabaw ang boses na iyon ng kanyang ninang Annie at ni aling Concha. Binitiwan niya ang hawak na bagahe at walang pasubaling tinakbo ang distansya niya sa mga ito. Nang makalapit ay mahigpit siyang yumakap sa dalawa na gumanti nang kasing higpit at 'sing init na yakap sa kanya.
"Pihadong matutuwa si Lorna kapag nakita ka. "
Ani aling Concha habang paulit-ulit na ikinukulong sa bisig ang dalaga upang muling yakapin.
"At tiyak na matutuwa ka dahil malaki na ang improvement ng nanay mo. Malaking bagay talaga na nakawala kayo kay Delio."
Anas naman ni Annie na sinangayunan ng isip ng dalaga. Wala naman siyang ibang nais kung hindi ang mapabuti ang kalagayan ng ina.