Chapter 17

785 Words
Dumaan pa ang mga araw na halos hindi na umuuwi si Gino sa bahay niya, sa condo na siya nag-istay dahil ayaw na rin naman niyang iwan mag-isa si Lia, si Roy naman ay napapaisip na rin kasi hindi na rin nagpapadrive si Gino sa kanya "Roy, si Boss Gino halos hindi na umuuwi dito ah" ani ni Aling Remy "Opo nga po eh, gusto ko ngang tanungin kung kailangan niya pa ako" "Sa condo na ata siya umuuwi" "Hindi ko sigurado, hindi ko pa nakausap si Lia" "Sila na ba?" "Hindi ko po alam eh" "Bagay naman sila eh" "Ang sa akin lang po Aling Remy, ayoko lang masaktan ang kaibigan ko, at saka sana kausapin na lang ako ni Boss kung kailangan niya pa ako", maya maya ay may nareceive siyang text Gino: Roy, pumunta ka sa akin sa opisina, may sasabihin ako, mamaya after lunch Biglang kinabahan si Roy sa text ni Gino, nananalangin siya na hindi siya tanggalin nito sa trabaho, maaga siyang dumating sa opisina pero after lunch na siya pumunta sa opisina ni Gino, pinapasok agad siya ni Sheila. "Boss Good Afternoon po" ani niya pagpasok "Good Afternoon Roy, upo ka" naupo naman siya sa tapat nito "Boss, ano po yung sasabihin niyo?" hindi na siya nakatiis na magtanong "Ahmmm, Roy, hindi ko na kailangan ng personal driver" "Tinatanggal niyo na ako Boss?" "Oo...pero gusto ko sana dito ka na lang sa opisina magtrabaho" nakangiti niyang sabi "Hindi nga Boss? Dito na ako sa opisina?" "Oo kung tatanggapin mo, dito ka na lang, para hindi ka mahirapan kapag nag-aral ka" "Boss?" "Naikwento ni Lia na plano mong mag-aral kaya nag-iipon ka ng pampaaral mo sana, pero siyempre kung driver pa rin kita baka mahirapan ka sa schedule" "Babae talaga na yun, ang daldal" ani niya "Wag ka nang mainis, okay lang yun, natutuwa nga ako kasi may pangarap ka sa buhay, may pangarap ka para hindi ka maging alangan kay Sheila" "Tingnan mo talaga yung babaing yun o, nuknukan talaga ng daldal, pati yun naikwento pa niya" naiiling na sabi ni Roy, natatawang naiiling naman si Gino sa kanya "Eh boss, wag kang magagalit ah, may gusto sana akong itanong sayo" "Sige lang" "Halos hindi na po kasi kayo umuuwi sa bahay, sa condo po ba kayo natutulog" "Yes" napatingin si Roy sa kanya, nakatingin lang din si Gino sa kanya maya maya ay nagsalita ulit si Gino "Roy, I have something to tell you, me and Lia are together" natahimik si Roy at napayuko tapos ay tumingin kay Gino at ngumiti "Boss, masaya ako dahil alam kong masaya na si Lia, mahal ka kasi nun, pero sana wag mo siyang sasaktan, parang kapatid ko na kasi yun, at handa akong ipagtanggol siya sa lahat ng mananakit sa kanya" "Alam ko Roy, hindi ko siya sasaktan, mahal na mahal ko rin si Lia, nakahanda rin akong proteksyunan siya sa mga taong mananakit sa kanya" Napayuko si Roy "Ang daya nun hindi man lang nagkukwento sa akin" "Pasensiya na Roy, ako kasi ang nagsabi sa kanya na ako na lang ang kakausap sayo tungkol sa amin, bilang lalaki at ikaw ang pinakamalapit na tao sa buhay niya, gusto ko rin na magkaharap tayo ng maayos" Ngumiti si Roy "Basta Boss, wag mo siyang sasaktan ah at lagi mo siyang proteksyunan" Ngumiti naman si Gino "Pangako Roy" at tumayo na sila para magkamay, sabay silang lumabas ng opisina "Sheila, pakihatid si Roy sa HR, alam na nila ang gagawin" "Sige po Sir" nakangiting tugon ni Sheila "Tapos, maaga akong uuwi ngayon, wag ka na rin mag-ot" Biglang bumulong si Roy kay Gino "Boss pwede ko bang ihatid si Sheila?" "Aantayin mo pa siya, mamaya pa siya uuwi" "Okay lang Boss mag-aantay ako" "Sa akin walang problema, tanungin mo siya...ngapala Roy, hindi mo kailangan na umalis sa bahay ah, okay na rin na dun ka na lang, para may kasama silang lalaki sa bahay, okay lang sayo?" "Opo Boss, wala pong problema, salamat po sa pagkakataon Boss" Hinawakan siya ni Gino sa balikat "Walang problema yun, nakahanda akong tulungan ka para matupad ang pangarap mo, kaibigan ka ni Lia, at ikaw ang nag-alaga sa kanya, maliit lang yan kung tutuusin" at nagkamay silang dalawa, bumalik na si Gino sa loob ng opisina, habang naglalakad papuntang HR si Sheila at Roy "Ah Sheila pwede ba kitang ihatid mamaya?" "5pm pa out ko eh" nakangiting sabi ni Sheila "Okay lang aantayin kita" "Okay sige, ikaw ang bahala" "Sige, tapos kain tayo sa labas bago kita ihatid sa inyo, pero sagot mo muna ah" "Ano?!" "Joke lang, sagot ko, basta ah, aantayin kita" "Sige..o dito na tayo" "See you later Sheila" tumango naman si Sheila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD