Chapter 16

962 Words
Kinabukasan ay maagang nagising si Lia, tiningnan niya sa Gino na nakayakap sa kanya, inalis niya ang kamay nitong nakayakap at bumangon na, pumunta siya kusina para magluto ng almusal, magsasangag siya tapos ay magluluto ng daing at itlog, naghanda na rin siya ng kape, masayang masaya siya, hindi mawala ang ngiti niya sa labi, pag tapos niyang maghanda ng almusal ay bumalik siya sa kwarto, tulog pa rin si Gino, naupo siya sa gilid nito at tinukod niya ang isang kamay niya sa kabilang side nito, yumuko siya at dinampian ng halik sa labi, napangiti si Gino pero nakapikit pa rin "Good Morning Gino ko" ani niya, dumilat ito at ngumiti sa kanya "Good Morning Lia ko, my girl ko, baby ko, mahal ko" ani nito, natawa siya sa sinabi nito "Lika na kain na tayo" yaya niya dito, pero imbis na bumangon ay hinatak siya nito para ihiga, pumuwesto ito sa harapan niya, hinalikan siya nito sa labi, napahawak siya sa batok nito pataas sa buhok, maya maya ay naghiwalay ang kanilang mga labi "Gusto ko sana ikaw kainin eh" sabay subsob sa leeg niya "Gino ko, mahal kita, darating din tayo sa pagkakataon na gusto mo pag handa na ako" "I know Lia ko" at tumingin ito sa kanya at dinampian ng halik sa labi "Lika na nga" at bumangon na nga si Gino pag bangon nito at inalalayan siya nito para siya naman ang makabangon, pag dating sa kusina ay magkatabi silang kumain, kumuha ng kutsara at tinidor si Gino "Gino hindi mo kailangan niyan, eto lang ang kailangan mo" ani niya sabay taas ng kamay "H-hindi kasi ako marunong magkamay" nahihiyang sabi ni Gino "Turuan kita" at tinuruan niya nga si Gino, pero nagiging makalat lang sa paligid nila dahil hindi talaga marunong magkamay si Gino, natatawang naiiling si Lia "Gino ko, halika nga dito, dito ka sa tabi ko dali" lumapit naman si Gino sa kanya, kumuha siya ng pagkain at sinubuan si Gino "Subuan na lang kita Gino ko" sabay halik sa pisngi, natawa si Gino, hindi na siya kumontra, pag tapos kumain ay pinapunta na siya ni Lia sa sala para manuod ng tv, si Lia naman ay nagligpit na ng mesa at nagwalis ng kalat ni Gino, tapos ay naghugas na ito ng pinagkainan nila, maya maya ay may yumakap sa bewang niya mula sa likod, at nakasubsob sa balikat niya, napangiti siya "Gino ko, dun ka na sa sala may ginagawa pa ako o" "Ayoko, dito lang ako" "Hmmm, mahal mo ako?" "Opo Lia ko, ako? Mahal mo ako?" "Siyempre naman mahal kita, ikaw lang wala nang iba pa" yumakap ng mahigpit si Gino sa kanya "Lia ko, sabi ni Roy tomboy ka, paano ka nainlove sa akin?" Tumingin naman si Lia kay Gino "Madalas kasi akong pagkamalang tomboy sa Zambales kasi nga diba ang mga damitan ko mas macho pa ata kesa kay Roy" "So, hindi ka tomboy?" "Hindi ah" "Lokong Roy yun ah" natatawang ani ni Gino "Alis tayo, mamili tayo ng gamit dito sa condo" sabay halik sa balikat "Sige, maligo ka na, para habang naglilinis ako.." "Gusto mo kuhanan kita ng maid?" putol nito sa sinasabi niya "Wag na, ako na ang bahala dito, ayoko ng maid, ang liit lang naman nitong unit eh" "O siya sige maliligo na ako" sabay halik sa pisngi niya Naligo na nga si Gino, habang naliligo si Gino ay naglinis muna si Lia, pagkatapos maligo ni Gino ay si Lia naman ang naligo. Pagtapos magsimba ay pumunta na sila sa mall, mamimili sila ng mga gamit sa condo, bibili si Gino ng microwave, oven toaster, mga induction cookware at kung ano ano pa, tapos ay iniwan na muna nila ang pinamili, nag ikot ikot ulit sila at kumain, dumaan sila sa may sinehan, may tinitingnan si Gino na bagong movie, gusto niya sanang manood "Gusto mong manood?" tanong ni Lia, napatingin naman si Gino sa kanya "Sige manuod tayo" napangiti si Gino at bumili na ito ng ticket, alalay niya si Lia sa sinehan dahil alam niyang first time, yakap yakap niya ito habang nanonood sila, si Lia naman ay tutok na tutok sa pinanonood, maya maya ay hinalikan siya ni Gino sa pisngi, napalingon siya dito at ngumiti "I love you Lia ko" ani ni Gino "I love you too Gino ko" at dinampian ng halik sa labi si Gino Pagkatapos nilang manood ay kumain muna sila at kinuha na ang pinamili, halos 9pm na nang dumating sila sa condo, naupo sila sa sofa pagkatapos ilapag ang mga pinamili nila, yumakap si Lia kay Gino, yung ulo niya nasa dibdib ni Gino, tahimik lang sila, maya maya "Lia ko, uwi na ako maya maya ah" humigpit ang yakap ni Lia sa kanya "Lia ko, wag kang ganyan mahihirapan akong umalis" tumingala si Lia sa kanya, nangingilid ang luha, hinalikan niya ito sa labi "Mag-iingat ka sa biyahe ah, mag-ingat ka sa pagmamaneho" "Oo naman, mag-iingat ako para sayo...o paano alis na ako ah" at tumayo na sila, inihatid ni Lia si Gino sa may pinto, lumingon si Gino sa kanya para halikan siya, "Bye Lia ko" "Bye Gino ko" pilit siyang ngumiti, at naglakad na si Gino paalis, hindi pa rin niya sinasara ang pinto, tinitingnan niya pa si Gino habang papaalis ito, nalulungkot siya, miss na niya agad ito, si Gino naman ay mabigat din ang pakiramdam sa pag-alis, huminto siya sa paglakad at tumingala, maya maya ay lumingon siya, nakita niya si Lia na nakatingin pa rin sa kanya, lumakad siya pabalik, nangiti si Lia at tumakbo papalapit sa kanya, nang magtagpo ay nagyakapan sila "Lika na, balik na tayo sa loob ng unit naten" ani ni Gino, inakbayan niya si Lia, at sabay na silang bumalik sa condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD