Nagdesisyon si Gino na siya na lamang ang susundo kay Lia, hindi na niya ito pinasundo kay Roy, gaya nang una niyang plano, siya na lang din ang nagmaneho, hindi niya muna sinuot ang coat niya at bow tie, nakapolo lang siya na white at slacks, pag pasok niya sa condo ay siya ring labas ni Lia sa kwarto, nagkatinginan sila, natulala si Gino kay Lia, ang ganda kasi nito, very light make up lang at updo ang hairstyle, at napakasexy sa suot nitong damit, innocent and sexy ang datingan nito sa kanya, ngumiti si Lia sa kanya at nangingilid ang luha, ang alam niya kasi hindi si Gino ang susundo sa kanya, napangiti rin si Gino, lumapit sila sa isat-isa at nagyakap, walang nagsasalita, magkayakap lang, maya maya ay medyo humiwalay si Gino kay Lia, pero nakahawak pa rin siya sa bewang nito, inilapit ang mukha niya sa mukha ni Lia, nagtitigan sila
"I miss you" ani ni Gino, napangiti naman si Lia
"I miss you too" ani ni Lia
"I am sorry kung may nagawa akong mali sayo"
"Sorry din, kasalanan ko, naging moody ako"
"Ang ganda mo" ani ni Gino habang tinititigan ang buong mukha ni Lia, sa mata, sa pisngi, sa ilong at sa labi, gustong gusto na niyang halikan ito
"Ikaw naman, ang gwapo mo, diba sabi ko naman sayo gwapo ka"
"Bagay tayo" napangiti naman si Lia, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Gino at tinitigan niya ito, ramdam niya ngayon na talagang mahal na niya si Gino, unti unti ay lumalapit ang labi ni Gino sa labi niya at hinalikan siya, napapikit na lang siya at humawak sa may batok ni Gino, parang nagkaroon ng sariling utak ang labi niya na sumunod sa galaw ng labi ni Gino, niyakap siya nito ng mahigpit habang hinahalikan, maya maya ay naghiwalay ang kanilang mga labi, dinikit ni Gino ang noo sa noo ni Lia at pumikit, si Lia naman ay nakapikit rin at nakahawak ulit sa magkabilang pisngi ni Gino
"Lia, my girl, I'm sorry pero kahit anong pigil ko, hindi ko na kayang itago na mahal kita" halos pabulong na sabi nito, napadilat ng mata si Lia, tiningnan niya si Gino, nakita niyang naluluha ito
"Mahal din kita Gino, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mahalin ka, nagseselos ako nung sabihin mo na kasama mo si Roxanne sa opisina, hindi ko masabi sayo kasi natatakot ako na sabihin mo na si Roxanne pa rin" ani rin niya habang tumutulo ang luha, hinalikan siya ulit ni Gino, himas na nito ang likod niya, tapos ay hinalikan siya sa pisngi, sa mata, sa ilong
"Mahal na mahal kita Lia, would you be my real girl?" ani nito, dinampian naman niya ng halik sa labi si Gino
"Yes my boy" at naghalikan ulit sila, maya maya naghiwalay na ang kanilang mga labi "Lika na? Alis na tayo?" ani niya kay Gino
Napangiti si Gino "Wag na kaya tayong pumunta?" ani nito
"Sure ka?"
"Oo, wag na tayo umalis dito na lang tayo my girl ko" bulong nito sa kanya, sabay halik sa balikat niya "Namiss kita eh, inaway mo kasi ako"
"Grabe, inaway talaga?" natatawang tanong ni Lia, hindi ito nagsalita, bigla siyang binuhat nito at pinasok sa kwarto, inihiga siya nito sa kama at muling hinalikan sa labi, napunta na ang halik nito sa leeg niya, ang kamay nito ay papaakyat na sa dibdib niya mula sa tiyan niya bigla siyang nagsalita "Gino" nakita nito na tila may takot sa mga mata niya, hinalikan siya ni Gino sa labi saglit lang
"Hindi kita pipilitin my girl ko" nakangiting sabi nito "Ayokong pilitin kang gawin ang isang bagay na hindi ka pa handa"
"Salamat" nakangiti niyang sagot, hinalikan na lang ito ni Gino, maya maya ay umayos sila ng higa at magkayakap, walang nagsasalita, magkayakap lang, nakasandal ang ulo niya sa dibdib ni Gino at ang isang kamay ay nakayakap sa may bewang nito, maya maya ay
"Lia ko, gusto mo kumain? Padeliver tayo" ani ni Gino sabay halik sa buhok nito, tumingala si Lia para tumingin sa kanya, hinalikan niya ito sa labi saglit lang
"Magluto na lang ako gusto mo?"
"Wag na, magpadeliver na lang tayo, ayokong mapagod ka, gusto ko dito ka lang sa tabi ko", bumalik si Lia sa pwesto niya kanina
"Sige, ikaw na bahala" kinuha na ni Gino ang phone niya at may tinawagan, natawa si Lia sa narinig, pag tapos ni Gino sa kausap ay kiniliti nito si Lia sa bewang, bigla itong napabangon
"Bakit pinagtatawanan mo ako?"
"Akala ko kasi ayaw mo ng Jollibee kasi pambata" nakangiti niyang sagot, hinalikan niya ito sa labi
"Alam mo naisip ko kasi ko, best fast food na sa akin ang Jollibee sa akin ngayon, at happiest place ang Star City"
"Huh?!"
"Dahil dun nag-umpisa ang lahat Lia ko, mula nang binuksan mo ang isip at puso ko, mula nang pumayag kang pumasok ako sa buhay mo" hinawakan siya ni Lia sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi
"Gino ko, mahal na mahal kita"
"Ang sarap naman Lia ko" nakangiting sabi nito, at bumalik ulit si Lia sa pagkakayakap niya kay Gino, nakayakap rin si Gino nang mahigpit, minsan ay iniipit siya ni Gino sa pagkakayakap at sabay silang magtatawanan.