Sobrang naguilty si Lia sa nangyari sa kanila ng Gino, kaya para makabawi siya dito ay ginawan niya ito ng almusal para sorpresahin at humingi na rin ng despensa sa nangyari sa kanila, maaga siyang umalis para makarating sa opisina, pumunta siya sa reception area
"Miss andyan na si Mr. Montefalco?"
"Ay Mam, opo kararating lang niya, sino po sila?"
"Ah, girlfriend niya" ani niya
"Ay Mam, sige po umakyat na po kayo, 6th Floor po ang office ni Sir, itatawag ko na lang po kay Miss Sheila na paakyat na kayo"
"Sige Miss salamat" ngiti niyang sagot, pumunta na siya sa elevator, medyo kinakabahan siya, pag dating sa 6th Floor ay may sumalubong sa kanya
"Hi Mam, Im Sheila"
"Hello Sheila"
"Mam hatid ko na po kayo sa office ni Sir" at pumunta na sila sa office, hindi muna siya pumasok, si Sheila muna para sabihin kay Gino na nandiyan siya, lumabas na si Sheila at pinapasok siya, pag pasok niya ay hindi nag-iisa si Gino sa loob, andun din ang isang babaing may napakapulang labi at kulay light brown ang buhok na halos lumuwa na rin ang dibdib.
"Hi Lia, meet Roxanne" tumayo si Roxanne at lumapit sa kanya at nakipag-kamay
"Hi Lia" tiningnan siya nito mula hanggang paa, hindi naman siya nakakibo pero nakipagkamay siya "Gino, I think I have to go, ang aga naman kasi ng bisita mo" at umalis na nga ito
"Lia" tumayo ito at lumapit sa kanya "Anong ginagawa mo dito?"
"Dinalhan kita ng almusal"
"Ahh, actually kakakain lang namin ni Roxanne sa baba, pero sige akina"
"Ganun ba sige wag na, aalis na ako, pasensiya na sa istorbo" at kinuha na niya ang dala niyang pagkain
"Lia wait, pahahatid na kita kay Roy"
"Hindi na Gino, kaya ko nang umuwi mag-isa" at lumabas na ito ng opisina, dire diretso lang at halos manakbo, maya maya ay si Gino naman ang lumabas para habulin ito, hindi niya inabot ang elevator na sinakyan ni Lia kaya nag antay pa siya, pag baba ni Lia sa building ay nakita niya si Roy may dalang envelope
"Tol" tawag nito sa kanya nang makita siya, bigla itong yumakap sa kanya at umiiyak, hinatak niya ito sa tabi para hindi sila nakaharang sa mga tao "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" hindi ito kumibo, hikbi lang ng hikbi, maya maya ay si Gino naman ang lumabas ng elevator, nakita niyang nag-uusap si Roy at Lia, nakita rin siya ni Roy na papalapit "Tol andyan si Boss Gino" pinunasan ni Lia ang luha niya, paglapit ni Gino ay binigay ni Roy ang envelope dito "Sir pasensiya na, nasalubong ko lang kasi siya"
"Its okay, I think kailangan mo na siyang ihatid sa condo" hindi humaharap si Lia kay Gino dahil mahahalata nito na umiiyak siya
"Hindi na, kaya ko nang umuwi mag isa, aalis na ako" at naglakad na ito palabas ng building, pero hindi siya umuwi sa condo, sa halip ay nagpunta na lang siya sa isang mall para mag-ikot ikot at makapag-isip isip, si Gino naman ay tila naguilty na rin sa nangyari, alam niya galit si Lia sa kanya kaya hindi muna siya pumunta sa condo at hindi niya alam na pupunta ito sa opisina para dalhan siya ng almusal, nawala na siya sa focus dahil sa nangyari kaya nagdesisyon na puntahan na lang si Lia sa condo nang makapagpaliwanagan na rin sila, ngunit pag dating niya ay wala si Lia duon, tinawagan niya si Roy
Gino: Roy wala si Lia, alam mo ba kung nasaan siya?
Roy: Ho? Hindi ko po alam Boss
Parehas nang nag-aalala ang dalawa kay Lia, 8pm na nang makauwi si Lia, nakita niya si Gino na nakaupo sa sofa at hawak ang ulo nito habang nakayuko, bigla itong napatingin sa kanya, tumayo ito para lumapit sa kanya
"Lia saan ka galing?" mataas ang boses ni Gino
"Diyan lang" nagulat niyang sagot
"Alam mo ba na pinag-alala mo kami?"
"Pasensya na"
"Lia may problema ba tayo?" ani ni Gino, pero hindi kumibo si Lia "May nagawa ba ako sayo na hindi mo nagustuhan?" umiling lang si Lia
"Wala, pero bigla kang nagagalit?", hindi kumibo si Lia, naupo na lamang ito sa sofa "Naguguluhan ako sayo, hindi na kita naiintindihan Lia, nagagalit ka ba kasi tinatawag kitang my girl? Sige hindi mo na maririnig sa akin yun" hindi pa rin kumikibo si Lia "Tsk! Walang mangyayari dito" at tumalikod na si Gino "Papadala ko na lang yung damit na isusuot mo sa sabado, may pupunta dito na mag-aayos sa iyo siya na rin ang magdadala" at tuluyan na itong lumabas, biglang umiyak si Lia, kanina pa niya pinipigilan ang luha niya, hindi niya masabi na nagseselos siya kay Roxanne, na nasasaktan siya na magkasama ito sa isang opisina, nakauwi na si Gino sa bahay pero hindi siya makatulog, naaalala niya si Lia, naguguluhan siya ngayon dito pero ayaw naman magsalita, gusto niyang yakapin ito kanina nang pumasok sa condo pero pinigilan niya ang sarili, nag-alala kasi siya dito, akala niya kung ano na ang nangyari, mahal niya si Lia, alam niya yun sa sarili niya, ayaw niya ngang masaktan ito hanggat maaari.
Mula nung araw na yun ay hindi na nagkita o nagtawagan kahit text si Lia at Gino, dumating ang araw ng sabado, may kumatok sa condo, ito ang mag aayos kay Lia at dala rin nito ang damit at sapatos na gagamitin niya
"Mam, pinapasabi po si Sir Gino na may susundo po sa inyo ng 6pm dito", parang may kumurot nanaman sa puso niya, hindi siya susunduin ni Gino
"Sige po"
"Start na po tayo" at tumango na si Lia, inayusan na siya ng mga dumating, yung isa sa buhok, yung isa sa make-up, pagkatapos siyang ayusan ay nagbihis na siya, ang damit na isusuot niya ang long black na gown at medyo backless dahil ang strap nito sa likod ay halos hanggang bewang na niya at paekis, kitang kita ang kaputian niya sa suot na damit, pag labas niya ay gandang ganda sa kanya ang nag-ayos sa kanya
"Mam ang ganda niyo po, kaya lang malungkot po ang mga mata niyo" ani nang make up artist
"Shh..ang daldal mo" ani ng hairdresser sa kasama "Sige Mam aalis na po kami" at tumango na lang siya, talagang malungkot kasi siya, naupo siya sa sofa para antayin ang sundo niya.