Chapter 13

900 Words
Nasa opisina si Gino nang tumawag si Sheila sa intercom at sinabi na may bisita siya, nagulat siya at sinabihan niya si Sheila na papasukin ito, ilang saglit lang ay nasa harapan na niya ang bisita "Hi Roxanne" ani niya dito, lumapit siya para paupuin ito sa may sofa niya "Aren't you going to give me a welcome kiss?" ani nito, ibebeso lang sana niya ito pero hinalikan siya bigla sa labi, saglit lang pero may pananabik, hindi na siya nakakibo at napailing na lang "So are you ready for your work?" ani niya nang makaupo sila, tumabi si Roxanne sa kanya at kumapit sa braso niya "Yes my dear" ani nito habang nakasandal ang baba sa may balikat niya "Okay" at unti unti niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya at siya ay tumayo "Roxanne medyo marami kasi akong ginagawa ngayon" "Hatid mo naman ako sa office ko" lambing nito sa kanya, at kumapit pa ito sa batok niya, lapit na lapit ang kanilang labi, tinanggal niya ang braso nito sa batok niya "Roxanne please, nasa opisina tayo" "Labas tayo mamaya" "Hindi ako pwede, may pupuntahan kasi ako" "Eh di sama mo ako, tapos lumabas tayo, catch up lang" "Pupuntahan ko kasi yung girlfriend ko" ani nito "May girlfriend ka?" "Oo may nakakagulat ba dun?" "Okay fine" at lumabas na ito sa opisina niya, wala pa ring pagbabago si Roxanne naisip niya, bigla niyang naalala si Lia, napangiti siya, magkaiba talaga si Lia at Roxanne, si Lia ang babaeng pang altar, si Roxanne ewan niya. Tumawag siya kay Lia para sabihin na dun siya kakain Gino: Hello my girl Lia: Para kang sira Gino: My girl, punta ako dyan mamaya, dyan ako magdidinner Lia: Okay sige, magluluto ako ng ulam Gino: Weh? Hindi nga? Lia: Oo magluluto nga ako, wag kang mag-alala marunong naman ako kahit paano, natuto ako sa bahay ampunan Gino: Okay see you later my girl, bibili na lang ako donut mamaya Lia: Okay bye "Bye my boy" ani niya pag baba niya ng phone Napangiti siya mag-isa, may saya sa puso niya nang makausap si Gino, naisip niyang magluto ng beef with mushroom at stir fry vegetables, nagprepare na siya, excited siyang hindi niya mawari, kailangan masarap ang magawa niyang ulam dahil para yun sa mahal niya, bigla siyang nahinto, nabigla siya dahil parang sinasabi ng puso niya ang tunay niyang nararamdaman sa utak niya, mahal na niya si Gino at hindi na niya yun napigilan, ganun pala ang pakiramdam ng nagmamahal, masarap sa pakiramdam, parang lahat maganda at magaan, pero sa sitwasyon niya ay hindi ito 100% dahil hindi niya alam kung matutugunan ang pagmamahal niya, biglang may parang tumusok sa puso niya at napapikit na lang siya. Nagulat si Lia nang bumukas ang pinto ng condo, pumasok si Gino na nakangiti, parang huminto nanaman ang ikot ng mundo niya nang makita si Gino "Good Evening my girl" bati nito sa kanya pagka upo sa sofa, may dala nga itong donut, nakatingin lang siya kay Gino, parang nagtaka naman si Gino dahil hindi nagsasalita si Lia "Lia, my girl, bakit?" "Huh?! Wala...wala, ano yang dala mo?" taranta niyang tanong "Krispy Kreme" "Masarap yan?" "Oo naman" "Lika na kain na tayo, san pala si Roy?" "Nagpaalam na ihahatid daw si Sheila, pinayagan ko na, mukhang pumapag-ibig kasi" nangingiti niyang sagot "Ah okay, lika na kain na tayo" "Hmmmm, mukhang masarap yan my girl" "Oo, sana lang magustuhan mo" "Sige husgahan na natin yan" kumuha na nga si Gino, at tila nagustuhan naman nito ang inihain ni Lia para sa dinner nila, maya maya "My girl, alam mo si Roxanne sa opisina na siya nagtatrabaho" "Ah talaga?" tila may tumusok nanaman sa puso niya nang malaman na duon na rin sa opisina nagtatrabaho si Roxanne "Oo, nagpunta nga dun kanina sa office ko" "O ano naman pinag-usapan niyo?" nakayuko niyang tanong kay Gino "Wala naman, niyayaya niya akong lumabas pero ang sabi ko may pupuntahan pa ako at saka sinabi kong meron na akong girlfriend" napatingin siya kay Gino, subo lang ito ng subo "Sinabi mo yun?" "Oo, at saka my girl, magsisimula ka na sa totoong trabaho mo sa akin" "Huh?! Anong ibig mong sabihin?" "Kasi sa weekend na batch reunion namin, pupunta tayo, kailangan nating pumunta kasi.." "Kasi kailangan makita ni Roxanne na may pinalit ka nang iba sa kanya" hindi niya alam pero sa pandinig ni Gino ay galit siya "Galit ka ba Lia?" "Ako galit? Hindi ah" "Sigurado ka?" "Oo naman" hindi na kumibo si Gino, pakiramdam niya talaga ay galit si Lia at hindi niya maintindihan kung bakit, maya maya ay tumayo na siya at dirediretsong lumabas ng pinto, napaiyak si Lia nang lumabas si Gino, nasaktan siya nang malaman niyang magkasama si Roxanne at Gino sa iisang opisina, lalo na ang alam niya kaya siya hinire ni Gino na magpanggap na girlfriend nito ay dahil rin kay Roxanne, naisip niya paano kung bumalik ang pagmamahal ni Gino kay Roxanne, nasasaktan siya sa mga naiisip niya. Si Gino naman ay hindi pa umaalis sa condo, nasa loob siya ng sasakyan pero hindi siya makapagdrive, naguguluhan siya kay Lia, nagtataka siya kung bakit ito nagagalit, nasaktan din siya, ayaw niya sanang umalis nang hindi sila nagkakaayos ni Lia, pero mukhang hindi sila magkakaayos kasi hindi niya alam kung bakit ito galit, maya maya ay umalis na siya na mabigat ang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD