Chapter 12

904 Words
Nagulat si Lia nang paglabas niya ng kwarto ay nasa sala na si Gino at Roy, may bitbit na pagkain si Roy "Anong ginagawa niyo dito?" "Nagdala kami ng pagkain, para sabay sabay tayong kumain" ani ni Gino "Kasama ako Boss?" takang tanong ni Roy "Oo naman Roy, sabay sabay tayong tatlo" ani ni Gino "Ay tara na kumain na tayo, kanina pa ako gutom boss" ani ni Roy tapos nagpunta na ito sa dining, kumuha naman ng plato si Lia at inayos na nila ang pagkain, sabay sabay na nga silang kumain, nagdala sila ng chopsuey, roasted chicken at chocolate cake, bumili rin sila ng kanin kasi hindi naman nila sinabi kay Lia na pupunta sila, pag tapos kumain ay lumabas na si Roy, nagpaalam siya na dun na lang sa sasakyan maghihintay. "Akala ko ba hindi ka pupunta?" ani ni Lia habang sila ni Gino ay nakaupo pa sa dining at magkatapat ang pwesto "Baka kasi mamiss mo ako" nakangiting sagot nito "Wow ah" sagot naman niya "Biro lang, ang seryoso mo naman, pakiramdam ko kasi hindi ka nanaman kakain ng maayos dahil mag isa ka, o kita mo na, anong oras na wala ka pang niluluto" "Nakakatamad kasi pag mag-isa ka lang, parang kahit ano na lang pwede na" "Sabagay nga, kaya nga nagdecide na lang ako pumunta dito" Natahimik na si Lia, kahit si Gino ay hindi na nagsalita, nagpapakiramdaman sila "Paano Lia, mauna na kami" at tumayo na ito "Aalis ka na?" gulat na tanong ni Lia "Oo, bakit ayaw mo ba akong umalis?" yumukod pa ito at inilapit ang mukha niya kay Lia, bigla namang kinabahan si Lia, nakatingin lang siya kay Gino at bigla na rin siyang tumayo "Hay naku Gino umalis ka na nga kung aalis ka, nang makapagpahinga na rin kayo ni Roy" sabi niya habang nililigpit ang pinagkainan nila "My girl" ani ni Gino "Ayan nanaman siya sa my girl niya o" natawa naman si Gino sa kanya "Eto naman nilalambing lang" "Akala ko ba uuwi ka na?" "Parang nagbago isip ko, manunod muna ako saglit ng tv" at naupo ito sa sofa tapos ay binuksan ang tv, si Lia naman ay hindi mapakali, hinugasan na niya ang pinagkaininan nila pero habang inaayos niya ang mga pinggan at baso ay may nalaglag na baso sa kamay niya, hindi niya alam kung nalaglag ba ito dahil madulas o dahil hindi siya mapakali, biglang napalingon si Gino sa kanya, lumapit ito nang pinupulot na niya ang bugbog, nagkasugat pa ang kamay pa "Lia anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Gino, hinawakan niya ang kamay ni Lia, kumabog nanaman ang dibdib niya nang hawakan siya ni Gino "Sorry Gino nabasag" "Ano ka ba? Tumayo ka na nga gamutin na natin yang sugat mo, ingat baka mabubug ka" naupo siya sa sofa, kinuha naman ni Gino ang first aid kit sa banyo, ginamot niya ang sugat ni Lia, si Lia naman ay hindi mapakali "Lia, sa susunod mag-iingat ka ha?" ani ni Gino "Sorry dun sa baso" "Ano ka ba? Baso lang yun, wag mong intindihin" pinupunasan na nito yung dugong kumalat sa kamay niya "Gino tama na, kaya ko na, liligpitin ko na yung kalat dun" tumayo na ito, hindi na kasi niya matiis ang care na pinapakita ni Gino sa kanya, baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya, tumayo rin si Gino at hinawakan siya sa balikat "Ako na" "Gino wag na ako na lang" "Ako na may sugat ka pa" "Kaya ko na Gino" seryoso na siya, pinadaan na siya ni Gino, tila nagtataka ito kasi nagsusungit na siya, inayos na niya ang nagkalat na bubog, maya maya pa "Lia, alis na ako" ani ni Gino, hindi siya tumitingin kay Gino tumango lang siya at lumabas na si Gino sa pinto, pag labas nito ay napalingon siya sa pinto, bigla siyang napangiti at napailing, si Gino hindi pala lumabas, binuksan at sinara lang ang pinto, ngumiti si Gino at lumapit sa kanya "Akala ko aalis ka na?" "Kasi para kang galit sa akin eh" "Gino, hindi ako galit, nahihiya lang talaga ako sa nangyari" "Sabi ko wag mo nang isipin yun, mas importante ka kesa sa baso" nakangiting sabi nito, ngumiti rin siya dito, kumakabog nanaman ang dibdib ni Lia, nagtititigan lang sila ni Gino at walang kibo, maya maya ay napayuko si Gino at nailing "Sige na Lia, totoo na to, uwi na talaga kami" "Sige hatid na kita sa may pinto" at naglakad na sila patungong pinto, nasa labas na ng pinto si Gino ay lumingon ito sa kanya "Good night my girl" "Good night my boy" nabigla siya sa sinabi, napatakip siya ng bibig "O ayan ah, ikaw si my girl ako si my boy ah, yan tawagan natin, kung kayo ni Roy ay tol, tayo my girl at my boy...bye my girl" sabay flying kiss at tumalikod na, pagsara niya ng pinto ay napasandal siya dito, naghahalo ang pakiramdam niya, masaya siya kasi nakita niya si Gino, namiss niya kasi talaga ito, pero may pag-aalala rin siya, dahil pakiramdam niya ay lalong lumalala ang nararamdaman niya para kay Gino, alam niyang hindi siya magugustuhan nito at baka dumating ang araw na masaktan nga lang siya, ang tanong niya sa sarili ay kung makakaya niya ba kung sakaling malaman niya na may iba itong mahal, worse ay baka mahal pa nito si Roxanne, baka hindi pa to nakakamove on sa babaing yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD