Chapter 11

833 Words
Pagkahatid ni Roy kay Gino sa opisina ay nagpaalam siya kung pwede niya dalawin si Lia, pumayag naman si Gino basta bago mag alas singko kailangan ay nakabalik na siya sa opisina. Pag dating sa condo ay kumatok si Roy, medyo matagal na siyang kumakatok, maya maya lang ay bumukas na ito "O tol, napadaan ka" ani ni Lia, hindi kumibo si Roy nakatingin lang sa kanya at pumasok na sa loob ng condo "Anong problema mo?" ani ni Lia, naupo si Lia sa sofa at tumabi si Roy sa kanya "Hoy babae magtapat ka nga sa akin ha, anong pinaggagawa niyo ni Boss?" "Grabe ka, wala kaming ginagawang masama noh" "Dalawang araw kayong magkasama, kaltukan kita eh" "Tol wala kaming ginawang masama, namasyal lang kami para makapagbonding at makilala pa namin lalo ang isat isa" "Tol, alam mo sa totoo lang, nag aalala lang naman ako sayo, baka kasi makasanayan mong kasama si Boss at magkagusto ka sa kanya" napatitig siya kay Roy, bigla siyang namula, at napansin ni Roy yun "Tol, nalintikan na, may gusto ka na ba kay Boss?" "Tol...hindi ko alam" "Tol" hinawakan siya nito sa magkabilang braso "Pigilan mo yang nararamdaman mo baka masaktan ka lang" "Paano naman yun tol?" "Mag isip ka ng ayaw mo sa kanya" "Paano kung wala akong makitang pangit sa kanya?" Napabuntung hininga si Roy at nailing "Alam mo tol ayoko lang na masaktan ka" "Wag kang mag alala sa akin tol, kaya ko to" "Paano yan tol, paano pag tapos na ang trabaho mo, aalis ka na dito, hindi na kayo magkikita" "Tol, kinausap na ako ni Gino, sinabi niya na wag na akong umalis kahit tapos na ang trabaho ko sa kanya" "Sinabi niya yun? seryoso? Alam mo ba na sikreto tong condo na to? Kahit si Aling Remy nagulat na may condo pala siya" "O eh ano naman?" "Ibig sabihin pag nagpupunta siya dito ayaw niya ng istorbo, pero pinatitira ka niya dito...tol may something na ba kayong dalawa? Tol umamin ka sa akin, mula pagkabata magkakilala na tayo, magkaibigan na tayo" "Tol, wala..as in wala talaga, magkaibigan lang kami" "Magkaibigan, diba dapat ako lang bestfriend mo?" tila nagtatampong sagot nito "Siyempre ikaw ang bestfriend ko" "Eh si Boss Gino ano mo?" hindi siya nakakibo "Special friend?" dugtong nito "Tol nagseselos ka ba?" "Tol, magkaibigan tayo eh, para na kitang kapatid, ayoko lang masaktan ka" "Tol, salamat sa pag aalala mo pero kaya ko to" "Gusto mo na nga siya?" napatingin si Lia sa kanya at dahan dahan tumango, hinawakan niya ang kamay nito, hindi tulad kay Gino, wala ibang naramdaman si Lia "Basta tol andito lang ako" "Tol, wala ka bang nagugustuhang babae? Baka kasi nagseselos ka lang dahil may gusto ka kay Gino" Tinaas nito ang kamay at pumilantik ang daliri nito "Hindi noh" at nagbakla baklaan, at nagtawanan sila, tapos ay niyakap niya si Lia at sumeryoso "Tol gaya ng sabi ko, andito lang ako, at saka wag mo akong problemahin, wag mo problemahin ang lovelife ko noh" "Hindi nga tol, wala ka bang nagugustuhang babae?" "Meron tol, hindi mo kilala, tol alam mo kinikilig ako pag naiisip ko siya eh" at aktong kinikilig pa, hinampas naman siya ni Lia "Ayan nanaman siya, ang sakit" "Kinikilig ka pa talaga ahh, pakilala mo ako dyan, kikilalanin ko yang babae na yan, baka naman si Aling Remy lang yan ah, nadevelop ka na" "Siraulo! Parang tiyahin ko na yun" natatawang sabi nito "Eh sino nga?" "Yung secretary ni Boss Gino, si Sheila, kaya lang baka alanganin ako sa kanya" "Tol, kaya mo yan" "Kaya nga gusto kong mag aral ulit, para hindi ako maging alangan sa kanya, kaya nag-iipon rin ako" "Ang galing naman ng tol ko" sabay akbay dito "Tol wag mo sabihin kay Gino na gusto ko siya ah" "Oo naman tol, hindi ko sasabihin, siyempre na sa iyo loyalty ko" "Tol kumain ka na ba? Dito ka na kumain" "Talagang dito ako kakain, mamaya ko pa naman babalikan si Boss" "Sige magluluto ako" at tumayo na si Lia, napaisip naman si Roy, naisip niya na sana ay hindi masaktan si Lia, parang kapatid niya na to, napaisip rin siya sa nakitang reaksyon ni Gino kanina, malakas hinala niya na si Lia ang kausap nito sa phone pero hindi na niya tinanong si Lia, ayaw naman niya ng masyadong makialam pa, basta sapat na sa kanya ang malaman ni Lia na andyan lang siya para sa kaibigan. Bago mag-alas singko ay nakabalik na siya sa opisina, maya maya ay andyan na si Gino, pauwi na sila, nang may maisip siya "Boss, mukhang iba aura naten ngayon ah" Ngumiti naman si Gino "Masaya lang" "Mukha nga Boss" "Kamusta nga pala si Lia?" "Okay naman siya, mukhang nagising ko nga lang, parang pagod eh" "Pagod nga siguro" nakangiting sagot nito "Roy, bumili tayo ng makakain tapos punta tayo sa condo" "Opo Boss" sang-ayon ni Roy, hindi rin makatiis si Gino na hindi puntahan si Lia naisip niya, napangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD