Chapter 10

830 Words
Nakauwi na nga sila sa condo, nanood na lang sila ng movie sa cable, magkatabi sila sa sofa, kumakain ng pizza at nanonood ng tv, pinatay rin nila ang ilaw at binuksan ang aircon, tutok sila sa pinanunuod, pag tapos ng palabas ay nag unat si Lia at humikab "Inaantok ka na?" ani ni Gino "Medyo" tapos ay sumandal ulit siya sa sofa, maya maya "Dito ka ba ulit matutulog?" "Hindi na, uwi na ako sa bahay" ani ni Gino "Gino sorry talaga kanina" Ngumiti si Gino sa kanya "Okay na yun, nagtataka lang ako sayo, hindi ka natakot na katabi ako sa kama pero natakot kang manood ng sine kasama ako, eh kung mapagsamantala akong tao, mas pwede kitang gawan ng hindi maganda dito" "Hindi naman ako sayo natakot eh, dun sa ibang tao, sabi kasi sa amin dati nakakatakot daw manood ng sine kasi raw may nang iinjection ng dugo na may AIDS" "Oo nga nabalitaan ko rin yan, pero ang tagal na nun at saka kwento lang naman ata yun, at saka andun naman ako hindi kita pababayaan, magkaibigan tayo diba?" Ngumiti siya kay Gino "Salamat ah, kasi tinuring mo akong kaibigan" "Ang dami kong narealize sayo Lia, kapag tapos na ang trabaho mo sa akin, wag ka na umalis dito" "Huh?!" "Oo dito ka na lang tumira" "Naku Gino wag na, sobrang nakakahiya naman" bigla siyang tumuwid ng upo, dumikit naman si Gino sa kanya at hinawakan nito ang kamay niya, bigla siyang napalunok, biglang bumilis ang t***k ng puso niya "Ano ka ba? Okay lang yun, at least dito safe ka" "Pero naghahanap na si Roy ng pwedeng malipatan" "Si Roy pwede siyang magstay sa bahay, kesa gumastos pa kayo sa upa, dito ka na lang, magtatampo ulit ako, gusto mo ba yun?" ani ni Gino habang nakatingin sa kanya, hindi agad siya nakakibo, hawak pa rin ni Gino ang kamay niya "Ayoko Gino" "Ayaw mong tumira dito o ayaw mong magtampo ako?" inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya, halos magkadikit na ang mukha nila, titig na titig sila sa isat-isa, napansin niyang napatingin si Gino sa labi niya Napalunok siya "Ayokong magtampo ka" "That's my girl" nakangiting sabi ni Gino sabay kindat, tapos at tumayo na ito "Paano Lia, uwi na ako ah, maaga pa ako bukas, next time bibili tayo ng gamit at design dito sa condo" Napatayo na rin si Lia, parang nanginginig pa rin ang tuhod niya, pero hindi siya nagpahalata "Babalik ka?" "Namiss mo na agad ako hindi pa nga ako umaalis" nakangiting biro ni Gino "H-hindi ah, sige na nga umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin" tapos ay hinatid na niya ito sa may pinto "Bye Lia, my girl" "My girl ka dyan, sige na, ingat ka" tapos ay nagflying kiss pa ito, natawa naman siya at nailing, pag alis ni Gino ay biglang siyang napaupo sa sofa, naalala niya yung usapan nila ni Gino, kumakabog pa rin ang dibdib niya, hindi niya maintindihan kung bakit biglang ganun ang naramdaman niya para dito, eh samantalang si Roy kahit akbayan pa siya nun wala naman sa kanya. Pauwi na si Gino, habang nagdadrive siya naalala niya si Lia, sa totoo lang hindi niya rin kayang tiisin ito kaya nung ngsorry ito ay pinatawad niya rin agad, dahil minsan na siyang nagmahal, alam niya kung ano ang umuusbong na nararamdaman para kay Lia, pero ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na sinisimulan pa lamang nila, gusto niya lang proteksyunan muna ito, kaya nagdesisyon siya na sa condo na lamang niya patitirahin. Kinabukasan habang nasa sasakyan papasok sa opisina, tinext ni Gino si Lia Gino: Good Morning my girl Lia: Good Morning po Gino Gino: Wow ang lakas makatanda ng "po" Lia: Good Morning Gino ? Gino: Kumain ka na? Lia: Mamaya na, tinatamad pa ako Gino: Hay naku dapat nasa time ang kain mo Lia: Parang siya nasa oras ang kain Gino: Kung wala lang akong early meeting pupunta ako dyan para mag-almusal, sabayan kita Lia: Magpapagod ka pang dumaan dito, okay lang ako Gino: Kumain ka na, kaya ko nga binili yung paborito mong tuyo at daing para hindi ka mangulila Lia: Hahaha, mangulila talaga, lulutuin ko yun pag andito ka para matikman mo Hindi na nakatiis si Gino, tinawagan nito si Lia Lia: Hello ano? Gino: Dyan ako magbbreakfast bukas para matikman ko na yang tuyo at daing na pinagmamalaki mo Lia: Ok sige ikaw bahala Gino: O wag mo akong mamimiss isang araw tayong hindi magkikita Lia: Kapal mo, sige na babye na Gino: Bye At inoff na nga ni Gino ang phone na nakangiti, napansin yun ni Roy pero hindi siya nagtanong, si Lia ang kakausapin niya, may kutob siyang si Lia ang kausap ng amo niya, kailangan niyang makausap si Lia sabi niya sa sarili. Si Lia naman ay nakadapa pa rin sa kama, hindi pala pupunta si Gino, may lungkot siyang naramdaman sa puso niya, mas lalo tuloy siyang tinamad na bumangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD