Chapter 9

1538 Words
Almost 1am na nang makabalik sila sa Condo galing sa pamamasyal, napansin ni Lia sa kilos ni Gino na pagod at antok nito "Gino dito ka na lang kaya matulog, sunday naman bukas walang pasok diba, para makapagpahinga ka na rin, baka makatulog ka habang nagmamaneho, dito na lang ako sa sofa, dun ka na sa kwarto mo at saka may damit ka naman dito" suhestiyon ni Lia habang yakap ang winnie the pooh bear na napanalunan ni Gino, nilapag naman ni Gino yung take out nila sa mesa "Okay lang sayo?" "Oo naman, alam ko namang pagod ka na, at saka unit mo to noh" "Ganito na lang, dun na lang ako sa lapag matutulog sa kwarto, konsensya ko naman kung ikaw ang patutulugin ko sa sofa dito sa labas, at saka hindi rin ako sanay matulog dyan" "Konsensya ko naman kung sa lapag ka matutulog" "Eh di tabi tayo sa kama, malapad naman ang kama" ngiting sabi ni Gino, tiningnan naman siya ni Lia mula ulo hanggang paa "Harmless ka ba?" "Oo naman noh" "Hmmm...sige na nga, mauna ka nang magbanyo, aayusin ko lang tong take out naten, lalagay ko lang sa ref" At nagtungo na nga sa banyo si Gino, naligo siya, pag tapos niya ay si Lia naman ang nagbanyo, naghalf bath lang si Lia, ang sinuot ni Lia na pantulog ay pajama na long sleeve ang terno, si Gino naman ay boxers at white na tshirt, si Gino ang nasa bandang kanan ng kama at si Lia sa kaliwa, medyo nawala ang antok ni Gino kaya binuksan muna niya ang tv, may unan pa sa pagitan nila ni Lia "Nawala antok mo?" tanong ni Lia pero halatang babagsak na ang mata "Oo eh, sige na magpahinga ka na" at nakatulog na nga si Lia, pinatay na rin ni Gino ang tv, bago nahiga ay tiningnan niya sa Lia, tulog na tulog na ito, napangiti siya, naalala niya yung sinabi ni Lia na sana ay makakilala ito ng kagaya niya "Hay naku Lia, nag-iisa lang ako" at hinawi niya buhok ni Lia na napunta sa mukha nito, ngayon niya napagtanto na tama si Lia, hindi lahat ng tao ay pareparehas, sa ilang oras lang nilang magkasama ay marami na siyang natutunan dito, other than the physical beauty ay ang kanyang inner beauty, ilang saglit pa ay nahiga na rin siya, maya maya ay nakatulog na rin. Alas otso ng umaga nang magising si Lia, pag tingin niya sa side ng kanan ay tulog na tulog pa si Gino, humarap siya dito at tinitigan, naisip niya ang swerte ng susunod na babaing mamahalin ni Gino, maya maya ay bumangon na siya, nagluto siya ng sinangag at tocino, naghiwa rin siya ng kamatis para naman sa salted egg, maya maya habang busy siya sa paghihiwa ng kamatis "Good Morning" bati ni Gino sa kanya "CR lang ako" Pinagpatuloy naman ni Lia ang paghihiwa ng kamatis, maya maya ay umupo na si Gino sa tapatan niya, tapos na rin siyang maghiwa inaantay na lang niya si Gino "Anong oras ka nagising?" ani ni Gino "Past 8am kaya bumangon na ako at nagluto" "Hmmm..parang nagutom ako bigla ahh" nakangiting sabi nito "Kain na" "Sige kain na tayo" ani ni Gino, wala silang kibuan habang kumakain, maraming nakain si Gino, sarap na sarap kasi siya sa nakahain kahit simple lang, at saka madalang naman talaga siyang nakakapag almusal, lagi kasi siyang nagmamadali kaya madalas sa office na siya kumakain, pag nasa bahay naman siya kape lang gusto niya "Gusto mo ng kape?" ani ni Lia "Hindi na, busog na ako, dami ko nang nakain" "Nagustuhan mo?" nakangiting tanong ni Lia "Oo, ang sarap" at dumighay pa ito "excuse me" "Buti naman, gusto ko sana tuyo o kaya daing kaya lang baka hindi ka kumakain nun" "Hindi nga ako kumakain nun, at never ko pang natikman" "Talaga?!" "Oo" "Ay sayang ang buhay mo" "Grabe ka naman" natatawang sagot ni Gino "Masarap kasi yun...eh mga kantong pagkain? Fishball, isaw, kwek kwek mga ganun ba, hindi ka rin kumakain?" "Hindi ko natikman" "Gusto mong tikman?" "Hmmmm....sige try natin" nakangiting tugon nito "Magsimba tayo" "Sige" "Mauna na akong maligo ah, ay iwan mo na lang tong hugasan, mamaya ko na huhugasan pag tapos kong magbihis" tapos ay tumayo na si Lia, pagkatapos ni Lia maligo nagulat siya nang makita niyang naghuhugas ng pinggan si Gino "Gino, ako na dyan magbibihis lang ako" "Hindi na, sige na magbihis ka na" "Sigurado ka?" "Oo naman, sige na magbihis ka na" at pumasok na si Lia sa loob ng kwarto para magbihis, ang sinuot niya ay isang light blue na casual dress na sleeveless tapos ay white cardigan na tinernuhan niya lang din ng flat sandals, dala niya rin yung shoulder bag na chanel na kasama sa mga pinamili nila ni Roy, nagpulbo lang siya at cheek tint tapos ay lip balm, mas gusto niya na ganun lang, okay na siya sa itsura niya, hindi na muna niya tinali ang buhok dahil basa pa, maya maya pa ay lumabas na siya, wala na si Gino sa kusina, naliligo na rin ito, naupo muna siya sa sofa, habang inaantay niya si Gino ay nakaidlip siya sa sofa, maya maya pa ay lumabas na si Gino at bihis na, nakita nitong nakaidlip siya, tumabi ito sa kanya at tinitigan siya, maya maya ay naalimpungatan si Lia, at nakita niyang nakatitig si Gino "Ano ba yan Gino tinititigan mo nanaman ako" reklamo niya "Sino naman nagsabi sayo na tinitigan kita?" nakangiting sabi ni Gino "Eh ano pa lang ginagawa mo diyan?" "Kakaupo ko lang, gigisingin na nga sana kita dyan" "Ikaw ahh, kada salita mo umismile ka na ahh" "O di sige, seseryoso na lang ako" at sumeryeso nga ito, inilapit ni Lia ang mukha niya kay Gino tapos ay nagduling-dulingan, hagalpak sa tawa si Gino, natawa na rin si Lia "Lika na nga pinagtatawanan mo ako" ani ni Lia, at sabay na silang tumayo para makaalis na. Paglabas nila galing simbahan ay may nagtitindang fishball sa labas nito, hinawakan niya sa kamay si Gino at pumunta sa nagtitinda ng fishball "Kuya, magkano po?" tanong ni Lia "Ay mam, dos po ang squid balls at sinkwenta po ang fishballs" nakangiting sabi ng tindero "Bili tayo" ani ni Lia kay Gino "Sige bumili ka na" tumusok na nga si Lia ng fishballs, nilagyan niya ito ng sweet spicy sauce at suka, sumubo siya, nakatingin lang si Gino sa kanya, lumapit siya kay Gino para alukin ito "Gino tikman mo, o" at aktong susubuan niya ito, sumubo naman si Gino "O diba masarap?" nakangiting tanong ni Lia, hindi naman nila namamalayan na pinagtitinginan na sila ng mga tao, halos magkadikit na kasi sila at sinusubuan pa ni Lia ng fishballs si Gino, nakarami sila ng fishballs kaya nabusog sila, tuwang tuwa naman ang tindero dahil nakarami siya ng benta kay Gino at Lia pa lang. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa mall, nag ikot ikot lang, maya maya ay "Lia manood na lang tayo ng movie" Napatingin si Lia sa kanya "Ano?" "Gino..." may pag-aalalang sabi ni Lia "Bakit?" nag-aalalang tanong ni Gino "Hindi pa kasi ako nakakapasok ng sinehan" nahihiyang sabi ni Lia "Eh di mas okay, para maexperience mo" "Natatakot kasi ako eh" "Saan?" "Kasi sabi nila may ibang ginagawa sa sinehan" "Lia...hays...wag mong isipin yun, harmless ako, at saka magkaibigan tayo diba? Wala ka bang tiwala sa akin?" "Meron" "O sige kung ayaw mo, wag na lang tayo manood, mabuti pa mag grocery na lang tayo para makauwi na" at naglakad na sila papuntang grocery, si Gino ang may hawak ng cart, hindi kumikibo, hindi rin kumikibo si Lia, nagiguilty kasi siya at nahihiya kay Gino, maya maya "Gino..." "Ano?" sagot ni Gino pero seryoso "Galit ka ba?" hindi kumibo si Gino, parang walang narinig, tumahimik na lang si Lia, at hindi na rin ulit nagsalita si Gino, napunta sila sa dry goods, hindi naman nangunguha si Lia ng bibilhin, puro si Gino lang ang kumukuha, medyo nakadistansya na lang din siya kay Gino, hindi na niya ito sinabayan sa paglalakad, maya maya lumingon si Gino sa kanya at may hawak ng tuyo at daing "Lia ito yung sinasabi mo diba?" nagulat pa siya ng biglang nagsalita si Gino, medyo malayo kasi siya dito kaya lumapit siya, tumango lang siya, nilagay lang ni Gino sa cart ang hawak tapos ay tumingin sa kanya, nakayuko siya kaya hindi niya alam na nakatingin ito sa kanya, maya maya, "Lia look at me" saka lang siya tumingin nangigilid ang luha "Hindi ako galit okay? Medyo tampo lang, kasi diba sabi mo magkaibigan tayo pero parang hindi ka nagtitiwala sa akin" "Gino sorry, hindi ko naman sinasadya, sorry talaga" tumulo na ang luha niya, lumapit si Gino sa kanya at kinuha ang panyo nito, pinunasan ang luha niya "Sige wag ka nang umiyak, okay na yun, may gusto ka bang bilhin?" "Wala" "Tara na sa cashier" habang nasa cashier ay tahimik pa rin si Lia, halata sa mata na umiyak, hinawakan siya ni Gino sa kamay at nginitian, napangiti na rin siya "Bili tayo ng pizza sa condo na lang tayo manood ng movie" ani ni Gino, tumango naman si Lia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD