Chapter 8

990 Words
Pumasok na sila sa loob ng Jollibee nung mga oras na yun ay kaunti na lamang tao, naupo na si Lia malapit sa may pader, meron itong mahabang upuan na pang apatan, dun siya umupo kasi malambot ang upuan dun at hindi na masyadong matao, si Gino naman ay umorder na ng kakainin nila, papunta na si Gino sa kanya dala ang tray at may kasunod pa itong crew na may dala ring tray, kanila lahat yun, malapit na si Gino nang may lalaking lumapit kay Lia na may dala ring tray ng pagkain, "Hi Miss, can i join?" "Sorry may kasama ako, yun o nasa likod mo" napatingin naman si Gino sa lalaki "Ang dami dami pang upuan eh dito pa siya pupwesto" ani ni Gino nang ilapag ang tray, at umupo sa tapat ni Lia "Dito ka nalang sa tabi ko para hindi ka daandaanan ng tao" ani ni Lia, lumipat naman si Gino sa tabi niya "Titingin pa siya" ani ni Gino pag upo sa tabi niya "Sino?" "Yung lalaking gustong tumabi sayo kanina" "Sus pabayaan mo na yun, kain na tayo, teka....ang daming pagkain, atin to lahat" "Oo, sabi mo kasi ako ang bahala" "Ang dami, mauubos ba natin to?" "Eh di itake out kung hindi maubos" Ang daming inorder ni Gino, 2 orders ng 2 pcs chicken, extra rice, spaghetti, french fries at may cheeseburger pa, kumain na sila walang kibuan dahil marahil sa pagod at gutom, naubos na nila na nila ang chicken pati extra rice, maya maya ay hawak na ni Lia ang tiyan niya "Masakit tiyan mo?" nag aalalang tanong ni Gino "Hindi..busog na busog lang ako" "Ang dami mo pa ngang kakainin o" "Hala sabi mo itetake out natin pag hindi naubos" "Hindi, gusto mo to diba?" natatawang sabi ni Gino, napatingin naman si Lia sa mga naiwan pang pagkain tapos napatingin ulit kay Gino "Joke lang, itetake out na lang natin mamaya, hindi ko yan papaubos sayo wag kang mag-alala" nakangiting sabi ni Gino, napatitig naman si Lia sa kanya at napangiti "Ang gwapo mo talaga pag nakangiti" "Alam ko na yun" "Wow ahh, eh bakit ayaw mong ngumiti" "Nakangiti na nga ako diba?" "Ngayon lang saka kanina, pero nung mga unang araw waley" natahimik si Gino, humarap si Lia sa kanya "Gino may tatanong ako, pwede? Hindi ka ba magagalit?" "Sige, sasagutin ko basta kaya ko" "Bakit kailangan mo ng magpapanggap na girlfriend? Ibig kong sabihin bakit hindi ka na lang manligaw, gwapo ka at mayaman ka, siguradong makakahanap ka ng karelasyon" "Alam mo kasi Lia, sasabihin ko yung totoo, minsan na akong nagmahal at nasaktan at ayoko nang maulit yun, unang babaeng minahal ko sinaktan lang ako, niloko niya lang ako" "Sorry Gino" "No need to worry to Lia, okay na rin siguro na malaman mo ang totoo tungkol sa akin, mula nang masaktan ako kay Roxanne, hindi na ako nagmahal ulit, at tinanim ko sa isip ko na pareparehas lang ang mga babae" "Hindi naman, iba iba naman ang mga tao" "Yeah, and thank you for making me realize that" "Ako?" "Oo kasi nakita ko sayo na kahit anong pinagdaanan mo sa buhay mo, positive ka pa rin" "Matanong ko lang, ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Roxanne?" ani ni Lia, napatingin naman sa kanya si Gino at hindi kumibo, ilang saglit pa "Sige wag mo na lang sagutin" "4th Year Highschool ako nang makilala ko si Roxanne, anak siya ni Uncle Lucas, kasosyo ni Dad sa negosyo namin, laking US si Roxanne, maganda siya, sosyal na sosyal, marami ring nagkakagusto sa kanya sa school at isa na ako dun, ang naging lamang ko lang sa mga nanliligaw sa kanya, magkakilala at magkaibigan ang family namin, sinagot niya ako, pakiramdam ko nun ako na ang pinakamaswerteng lalaki, imagine, napasagot ko ang campus crush, almost graduation na nun, nakita ko sila ni Carlo na nag-uusap sa may canteen, isa si Carlo sa nagkakagusto sa kanya, hindi ako nakaramdam ng selos nun dahil may tiwala naman ako sa kanila, palapit na ako sa kanila nang bigla silang tumayo at umalis, sinundan ko sila hanggang likod ng gym, dun ko sila nakita na naghahalikan, nakahawak pa si Carlo sa dibdib niya, hindi ako nakapagsalita, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, ilang saglit pa, nakita nila akong nakatayo, tumingin sila sa akin at pinagtawanan nila ako, sinabihan ako ni Roxanne na boring daw ako" "Bakit niya nasabi yun" "Alam mo kasi nagdedate kami niyan ni Roxanne, nanonood ng sine, kumakain sa labas, typical date ng mga teenager na magboyfriend girlfriend, kaya lang minsan tinanong niya ako kung wala kaming ibang pupuntahan, yung kaming dalawa lang, alam ko naman ang ibig niyang sabihin eh, pero ang sabi ko sa kanya nirerespeto ko siya, gustuhin ko man, gustuhin man ng katawan ko, hindi ko gagawin dahil ang bata pa namin nun, at saka gusto ko yung parehas kaming handa sa consequence na pwedeng mangyari kapag ginawa namin yun na hindi namin kailangan na idamay pa ang magulang namin dahil kaya na namin, yun naghanap siguro ng iba na kayang magbigay solusyon sa init ng katawan niya" hindi nakakibo si Lia sa pinagtapat ni Gino, tumingin si Gino sa kanya, nagkatitigan sila mata sa mata "Ang bait mo, alam mo hindi ka boring, sana makahanap ako ng gaya mo" "Gaya ko?" "Gaya mo na mabait, responsable at marespeto, yung hindi katawan lang ang gusto, kahit hindi mo kasing yaman at kasing gwapo" napangiti naman si Gino sa sinabi niya "Thank you ah" ani ni Gino "Saan?" "For appreciating the real me" Napangiti naman si Lia "Thank you rin" "Saan?" "Sa Jollibee" tapos ay napangiti siya "Joke lang, thank you kasi pinakilala mo ang sarili mo sa akin" napangiti naman si Gino, inilahad ni Lia ang kamay niya kay Gino para makipagkamay, binigay naman ni Gino ang kamay kahit nagtataka "Friends?" tanong ni Lia "Friends" nakangiting sagot ni Gino
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD