Chapter 7

778 Words
Pag dating nila sa Star City ay magbubukas pa lamang ito kaya sakto lang ang dating nila, nag-ikot ikot sila, lakad, tingin sa mga paninda sa tiangge, sa mga rides, sa mga palaro, pinabayaan naman ni Gino na maglaro si Lia nang kung ano-ano, kitang kita niya ang saya sa mukha at mata nito, niyaya siya nito na sumakay sa vikings pero ayaw niya "Sige na Gino sumakay na tayo dun" "Ayoko Lia, ikaw na lang kung talagang gusto mo, ibibili kita ng ticket" "Wag na lang wala naman akong kasama" tila nagtatampong sagot nito, tumingin na lang ito sa gustong sakyan na ride "Dito ka lang babalik ako" ani ni Gino, tumango lang si Lia, maya maya ay bumalik na nga ito, may dala na itong ticket "Lika na, sumakay na tayo" Nagulat si Lia "Sigurado ka?" "Oo dali na" at tuwang-tuwang sumunod si Lia sa kanya, magkatabi sila sa bandang gitna at may katabi pa sila sa mga gilid nila, maya maya ay umandar na ang ride, sigaw ng sigaw si Lia, napatingin siya kay Gino, wala itong reaksyon pero halatang nagugulat rin "Sumigaw ka Gino" napatingin naman si Gino sa kanya at napasigaw na rin sa tuwing tataas at bababa yung ride, pagkatapos ng ride ay bumaba na sila, naiiling si Gino, ganun pala ang pakiramdam sa ride na yun, parang hinahalukay ang tiyan niya "O diba dapat sumisigaw ka para mawala yung takot at mas masaya" ani ni Lia "Laro tayo, gusto ko yung may baril tapos mananalo ng prize" "Saan?" "Duon o, nakita ko kanina lika na" hinawakan niya sa kamay si Gino at hinatak kung san niya nakita yung gusto niya laruin, pinabayaan naman siya ni Gino maglaro pero talo siya, hindi kasi siya asintado, medyo nalungkot siya, gusto niya kasi yung malaking stuff toy, bata pa lang siya pangarap na niyang magkaroon ng ganun "Ako nga patry, ilan ba ang kailangan kong tamaan para manalo ko nung grand prize niyo?" tanong ni Gino sa crew "Anim po sir sunod sunod, eto pong malaking winnie the pooh bear ang grand prize" At sinubukan na nga kay Gino, dahil sanay rin siya sa firing range ay naipanalo niya ang laro, tuwang tuwa si Lia nang makuha ang bear, inabot yun sa kanya ng crew "Congratulations Mam, buti asintado po boyfriend niyo" nakangiting sabi ng crew Nagkatinginan silang dalawa ni Gino "Magaling talaga ang boyfriend ko" sabi niya sa crew, napangiti naman si Gino sa sinabi niya "Wow" gulat na sabi niya nang makitang ngumiti si Gino, bigla itong sumeryoso ulit nung napa-wow siya, nilapitan niya ito, yung malapit talaga na yung bear lang ang nasa pagitan nila "Smile ka ulit please?" pakiusap naman niya, hindi naman napigilan ni Gino ang ngumiti ulit, yung totoong ngiti na umaabot hanggang mata "Wooow, ang gwapo ng boyfriend ko noh?" sabi niya sa crew, natawa naman ang crew sa kanya Hinawakan siya ni Gino sa kamay "Halika na nga ikaw talaga" "Akala ni kuya boyfriend talaga kita" Nailing naman si Gino "Ang kulit mo noh?" nakangiti pa ring sabi nito "Ang gwapo mo, sana lagi kang nakasmile, mas magaan yun sa pakiramdam" ani ni Lia habang naglalakad nanaman sila, at nag ikot ikot pa sila, 9pm na nang makaramdam ng gutom si Lia "Gutom na ako Gino" nagkandahaba pa ang nguso nito "Sige labas na tayo, dun na lang tayo sa restaurant kumain" at pumunta na nga sila sa parking area "Gino yung restaurant na gusto mong kainan mahal ba dun?" habang sakay sila ng kotse "Bakit mo naitanong?" "Dun na lang tayo sa mura" "Saang mura naman yun?" "Jollibee" "Ano ka bata?" natawang sagot ni Gino "Kasi nung bata pa ako, tuwing birthday ko lang ako pinapakain ng nanay ko dun, tapos nung nasa bahay ampunan ako, nakakakain lang ako ng ganun pag may mga sponsor, gusto ko talaga dun, pero kung ayaw mo okay lang, dun na lang tayo sa gusto mo" Nakaramdam nanaman siya ng awa kay Lia, napabuntung hininga siya "Okay sa Jollibee na tayo kakain" "Talaga? Promise, salamat ahh" ngiting-ngiting sagot ni Lia, napangiti naman ulit si Gino sa kanya "Lagi kang mag-ismile para mas lalo kang gumwapo" "Binola mo pa ako, pakakainin na nga kita" "Hindi ako nambobola totoo yun" "Ibig sabihin, nung hindi ako ngumingiti nagagwapuhan ka na sa akin, eh itong nakangiti ako baka mainlove ka na sa akin" "Ay iba rin, may naramdaman akong hangin, nakasara naman ang kotse" Natawa naman si Gino sa kanya na kinagulat niya rin, pero hindi na siya nagpahalata "Joke lang yun, alam ko naman hindi tayo talo", bigla naman siyang napangiwi sa sinabi ni Gino, ang alam nga pala nito tomboy siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD