Chapter 6

940 Words
Umabot ng isang linggo ang pagtuturo ni Mia kay Lia kung paano maging isang prim and proper na babae, mabilis naman talaga itong natutunan ni Lia, naisip naman ni Gino na kailangan nilang magkakilala pa ni Lia ng lubusan, kaya naisip niyang ipasyal ito sa kamaynilaan. Alas sais pa lang ay nasa condo na si Gino para sunduin si Lia, naupo siya sa sofa habang inaantay si Lia, maya maya ay lumabas si Lia mula sa banyo, nakatapis lang ito ng twalya, nagulat pa siya nang makita si Gino sa sofa "Ay!" biglang sabi ni Lia "Nakakagulat ka naman" Napalingon naman si Gino sa kanya at hindi kumibo, nakatingin lang sa kanya, parang nanuno nanaman si Gino, tumayo ito at lumapit sa kanya, hawak hawak naman niya ang tapis niya, kinabahan siya nang tumayo si Gino at lumapit sa kanya "Magbihis ka na at aalis tayo" ani ni Gino "Okay" sagot niya at nagmamadali siyang pumasok sa kwarto, pag pasok niya ay napasandal siya sa pinto at sapo ang dibdib niya "Grabe nagulat talaga ako dun, bakit ba ganun yun? Lagi na lang akong tinititigan" maya maya ay kumilos na siya para magbihis, pinili niyang isuot ay maong skirt na hanggang kalahati ng hita niya ang haba at plain white v-neck na tshirt at sneakers na white na lang din Bumalik naman si Gino sa sofa, napapikit siya at napatingala, hindi maalis sa isip niya ang nakatapis na si Lia, talagang iba ang dating ni Lia sa kanya, alam naman niya sa sarili niya yun pero kailangan niyang labanan, ayaw niya ng commitment, ayaw niyang masaktan ulit. Habang sa kotse ay wala silang kibuan, si Gino ang nagmaneho "Lia, san mo gusto pumunta?" tanong ni Gino "Hindi ko alam, wala akong alam dito sa Maynila eh" "Hmmm, sige kain muna tayo" "Sige" "May gusto ka bang kainin?" "Gusto ko ng tapsilog" "Okay sige" at hindi na ulit sila nagkibuan, hindi alam ni Lia kung anong ginagawa nila, kung ano bang plano ni Gino, gusto niya sanang tanungin ito pero naiilang kasi siya, tahimik kasi si Gino, bilang ang sinasabi, at hindi ngumingiti, si Gino naman ay hindi alam kung paano sisimulan ang conversation kay Lia, gusto niyang mas makilala ito para na rin sa magiging trabaho nito sa kanya. Nakarating sila sa Tapa King, isang kilalang kainan sa Pilipinas, umupo sila sa mesang pang dalawahan at magkatapat sila, usual size kasi ng mga mesa sa mga ganitong klaseng kainan ay maliit lang kaya hindi maiwasan na maging malapit sila isat-isa. Nagkatinginan silang dalawa, ngumiti si Lia kay Gino, dito na nag-umpisa ng conversation si Gino. "Kamusta ka naman Lia?" "Ayos naman" "Gutom ka na ba?" "Medyo, pero carry lang" "By the way Lia, taga Zambales ka diba? Taga duon ka ba talaga?" "Oo, dun na ako pinanganak at lumaki" "Paano ka napunta sa bahay ampunan" "Alam mo kasi, hindi ko na nakilala ang tatay ko, si Nanay naman kasi namatay sa sakit nung sampung taon ako, tapos hindi naman ako kayang buhayin ng tiyahin ko kaya dinala niya na lang ako sa bahay ampunan" "Wala ka nang ibang kamag anak?" "Sa side ni nanay wala na, yun lang tiyahin ko, sa side ng tatay ko hindi ko alam, eh ang dala kong apelyido sa nanay ko eh" Bigla siyang nakaramdam ng awa dito, namuhay ito ng mag-isa sa edad na sampu, buti nga at naisip pa ng tiyahin niya na sa bahay ampunan dalhin kesa naman ipamigay sa iba o kaya ay basta na lang palayasin, maya maya ay andyan na ang pagkain nila, kumain sila at walang kibuan, pagtapos kumain ay umalis na ulit sila, dahil wala rin siyang maisip puntahan ay dinala na lang niya muna si Lia sa MOA by the Bay at naglakad-lakad "Hindi naman ba masama ang loob mo sa tiyahin mo?" biglang naitanong ni Gino "Hindi naman...naitindihan ko naman kasi siya, marami rin kasi ang mga pinsan ko kaya yun hindi na niya talaga ako kayang alagaan pa" "Hindi mo ba naisip na hanapin ang tatay mo?" "Hindi na, kaya ko lang naman nalaman na buhay pa ang tatay ko dahil sa tiyahin ko, nung namatay kasi ang nanay ko nabanggit niyang buhay pa ang tatay ko pero hindi niya rin kilala, ni pangalan nga ng tatay ko hindi ko alam paano ko hahanapin? At saka ayaw niya siguro sa amin ng nanay ko kaya hindi namin siya kasama" bigla itong napayuko "Sorry" "Wala yun, tanggap ko naman na, itutuloy ko na lang ang buhay ko nang mag-isa" "Hay naku" ani ni Gino, at napabuntung hininga "Bakit?" takang tanong ni Lia "Alam mo kaya tayo umalis para magkakilala tayo, gusto ko rin kasi malaman ang background mo at saka mawala na rin yung ilangan natin, kasi malapit ka nang magsimula sa trabaho mo sa akin kaso mukhang napalungkot pa ata kita" Huminto si Lia "Gusto mo talaga mawala yung ilang ko sayo?" nakangiting tanong ni Lia "Hmmm, o sige anong gagawin ko para mawala ang ilang mo sa akin?" "Smile" nakangiting sagot ni Lia, tila nabigla naman si Gino at nailing "Lagi ka kasing seryoso, mula nung magkakilala kasi tayo hindi pa kita nakitang ngumiti eh" "Wala naman akong dapat ikangiti eh, at saka okay na ako sa ganito lang, normal ko na to, hindi ko normal ang pagngiti" "May ganun bang tao?" "Meron...ako" "May kiliti ka ba?" "Bakit mo naman naitanong?" kunot noong sagot ni Gino "Kulang ka lang siguro sa kiliti" Napailing naman si Gino sa sinabi niya "Alam mo maigi pa pumunta na lang tayo sa amusement park, sa Star City malapit lang dito yun" "Talaga? Sige!" tuwang saad ni Lia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD