Kinabukasan ay nagpahanda ng almusal si Gino para kay Lia, dadalhin niya ito sa Condo, dalawa na sila ni Roy ang pumasok sa building, dala ni Roy ang paper bag na may lamang pagkain, pag pasok nila sa loob ay parehas silang nagulat sa nakita, si Lia sa sofa natutulog, nakashorts na maluwag at tshirt na malaki, nakalilis pa ang tshirt pataas na halos umabot sa dibdib nito, tapos ay nakanganga pa, nagmamadaling lumapit si Roy sa kanya para ibaba ang tshirt niya at gisingin
"Lia...Lia bumangon ka nga dyan nakakahiya ka"
"Ano ba tol, nakakabwisit ka naman ang aga aga" iritang sagot nito pero hindi bumangon at mukhang matutulog ulit
"Lia andito si Boss Gino" ani ulit ni Roy, bigla itong bumangon
"Sir...Boss..Amo" ani niya
"Mag ayos ka muna" ani ni Gino, tumakbo siya sa CR, iiling iling naman si Roy, inilapag na ni Roy ang dala niyang pagkain sa dining table na nasa likod lang ng sofa set sa bandang kanan, maya maya ay lumabas na ito ng CR, nakapaghilamos at toothbrush na siya, pero hindi niya naitali ang buhok niya, pumunta siya sa dining table at sumunod naman si Gino sa kanya, umupo sila sa magkatapat na upuan, napatingin naman si Gino sa kanya at hindi nagsasalita, at tila nailang naman si Lia, pasimple niyang pinunasan ang gilid ng mata kasi baka may muta pa siya kaya nakatitig sa kanya si Gino pero wala naman, pasimple niya namang pinunasan ang gilid ng bibig baka may hindi natanggal na natuyong laway pero wala rin naman
"Sir, ay Boss, ay Gino pala, bakit ka nakatitig sa akin" napatingin naman si Roy kay Gino habang nakatayo siya gilid nito
"Huh?! Ahh wala" tila nagising ito sa pagkakatulog "By the way Lia, mamaya sasamahan ka ni Roy sa mall, ihahatid niya muna ako sa office, bibili ka ng mga gamit mo pati grocery, at saka makeover"
"Makeover?" takang tanong niya
"Alam na ni Roy kung san kayo pupunta para bumili ng personal na gamit mo, pati sa salon, bumili ka na rin pala ng bagong cellphone"
"Cellphone?"
"Oo cellphone, kailangan maayos ang phone mo at may mga nakausap na rin akong mag-aassist sayo pagbili ng mga gamit at sa salon" tumango naman si Lia "Bakit nga pala sa sofa ka natulog? Bakit hindi sa kwarto?"
"Gino pasensiya na, kasi hindi ako makatulog kagabi eh kaya lumabas muna ako, tapos yun hindi ko namalayan nakatulog na pala ako" napatingin naman si Roy sa kanya, nagulat kasi ito na Gino lang ang tawag nito sa amo, tumayo na si Gino
"Okay alis na kami Lia, by the way heres my card" inabot nito ang credit card sa kanya "Ibigay mo lang yan dun sa mag-aassist sayo sa boutique at salon, eto naman ang 10thousand, para sa grocery, wag niyo na yun icredit card kasi wala akong contact sa supermarket dun sa mall na pupuntahan niyo kaya icash niyo na lang, baka kasi maquestion pa kapag card ang ginamit niyo dahil sa akin nakapangalan yan"
"Gino masyadong malaki ang 10k para sa grocery"
"Magstock ka na rin ng pagkain, at saka mga kailangan dito sa condo" tumango ulit si Lia "Sige alis na kami, babalik na lang si Roy dito para sunduin ka" tumango ulit si Lia at tumayo na para ihatid ang dalawa sa may pinto, nauna si Gino maglakad sa kanya, at dahil nakayuko si Lia ay hindi niya namalayan na malapit lang siya sa likod ni Gino, biglang lumingon si Gino sa kanya kaya muntik na siyang matumba, naalalayan naman siya ni Gino sa braso, magkalapit na magkalapit ang mukha nila, ang bango ng hininga ni Gino naisip niya
"Are you okay? tanong ni Gino
"O-oo" sagot niya
"Eto nga pala, copy ng susi ng condo" at kinuha niya ito kay Gino, ang kinis ng kamay nito napansin niya, hindi tulad ng kamay niya, parang kamay ng kargador, pagkaalis ng dalawa ay kumain na siya tapos ay naligo na rin, nakabihis na siya ng kanyang signature outfit na malaking tshirt at pantalong maong, hinihintay na lang niya si Roy, maya maya pa ay dumating na rin ito
"Ang tagal mo naman" ani ni Lia pag bukas niya ng pinto
"Hoy babae traffic noh...ikaw nakakahiya ka ha, itsura mo kanina mukha kang lasenggo sa kanto" ani ni Roy
"Grabe ka naman sa akin" nakaupo na sila sa sofa
"Hoy, alam mo itsura mo kanina pag dating namin? Nakataas na yung damit mo nakanganga ka pa"
"Uy gago ka, wag ka naman gumawa ng kwento"
"Hindi ako gumagawa ng kwento, totoo yun tanong mo pa kay Boss Gino"
"Hindi nga? Langhya nakakahiya pala itsura ko kanina"
"Talagang nakakahiya, lika na nga umalis na tayo at baka matraffic pa tayo wala man lang pajuice" at tumayo na sila para umalis
"Tubig lang meron dito, alam na mamimili pa lang ehh"
Pag dating sa mall ay dumiretso sila sa boutique na sinasabi ni Gino, sa labas pa lang ay mukhang mamahalin na ang mga damit dito, pag pasok nila ay may sumalubong sa kanila
"Hi Mam, if I'm not mistaken you are Miss Alvarez right?"
"Opo Mam"
"Hi, I'm Kathy, sinabi na po ni Mr. Montefalco na pupunta kayo at binilin po na ibigay po ang lahat ng damit at sapatos na babagay sa inyo"
"Naku Miss Kathy, mukhang mahal ata dito"
"No problem with that Mam, si Sir Gino naman po ang nagsabi nun, ako na rin ang mag-aassist sayo"
"Salamat po"
Maraming kinuhang damit si Miss Kathy, ladies tops, pants, dress, skirt, shorts, shoes at bags, pinasukat lahat sa kanya ng damit na kinuha kaya inabot rin sila ng kulang kulang tatlong oras sa boutique pa lang, tapos ay nagpunta naman sila sa salon, inayos ang buhok niya, facial, hand and foot spa, manicure at pedicure kaya halos pagabi na rin nang matapos sila, dumaan pa sila sa supermarket, habang namimili sila ay hindi maiwasan na mapalingon ang mga tao sa kanya, nagpalit na rin kasi siya ng damit, pinasuot na sa kanya yung isang blue casual dress at doll shoes na binili nila, inayusan pa siya sa salon
"Tol, ang daming tumitingin sayo" ani ni Roy
"Tangna tol, naiilang na nga ako eh, magbihis kaya muna ulit ako"
"Sira ka ba? Mauubusan na tayo ng oras, susunduin ko pa si Boss, tumawag na nga eh"
"O anong sabi mo?"
"Sabi ko andito pa tayo sa mall"
"Bilisan na natin baka magalit yun" at binilisan na nga nila ang pamimili, alas nueve na sila nakabalik sa condo, nagmamadali naman si Roy na sunduin si Gino at dumiretso na sila sa bahay
Si Lia naman ay inayos na ang mga pinamili niya, napangiti siya ng makita niya ang damit, pangarap niya yung mga ganung klaseng damit kaya lang talagang napakamahal, pati mga shoes na binigay sa kanya, ayaw niya sana ang may takong kaya lang kailangan daw may ganun siya.
Kinabukasan ay nagtungo ulit si Gino sa condo, kasama nito si Mia, ang magtuturo kay Lia kung paano kumilos ang isang tunay na babae, si Lia naman ay kasalukuyang nagbibihis na kasi katatapos niya lang maligo, pag labas niya ay nagulat siya nang makita si Gino at ang kasama nito
"Lia, good morning" ani ni Gino
"Good Morning" nakatingin lang siya dalawa
"Mia, this is Lia, siya yung sinasabi ko sayo na tuturuan mo" lumapit ito kay Lia at nakipagkamay
"Hi Lia"
"Hello po" nakangiti niyang sagot, napansin nanaman niyang titig na titig sa kanya si Gino, sinuot niya yung walking short at sleeveless top na nabili nila kahapon, at nakalugay lang ang mahaba niyang buhok na winave curl kahapon sa salon
"Ahh Sir Gino" ani ni Mia, saka lang inalis nito ang tingin sa kanya "May time frame po ba tayo dito?"
"Gusto ko sana within one week, pero kung hindi naman kaya okay lang, ang importante matuto siya" tumingin ulit ito sa kanya "Sige Mia iwanan ko na kayo, Lia babalik na lang kami mamaya ni Roy"
"Sige" sagot niya