Magkakaharap na silang tatlo sa opisina ni Gino, nakaupo sa magkatapat na upuan si Lia at Roy, at si Gino naman ay nasa upuan nito
"So whats your name again?" ani niya kay Lia
"Lia Jasmine Alvarez po"
"So I guess nasabi na sayo ni Roy yung inaalok kong trabaho?"
"Opo"
"So are you accepting my offer?"
"Sir may mga tanong po sana ako"
"Okay go ahead"
"Magkano po ang magiging sweldo ko?"
"50 thousand pesos sa loob ng isang buwan, all expense paid, wala kang gagastusin, lahat ng panggastos mo at kakailanganin mo sa pangpapanggap ay sagot ko lahat"
"Sir 50 thousand sa isang buwan?" gulat na tanong ni Lia, pati si Roy ay nagulat sa narinig
"Oo isang buwan ka lang naman magpapanggap, siguro naman sapat na yung halaga na yun para makahanap ka ng bagong trabaho after nitong sa akin"
"Pero Sir, hindi kasi ako katulad ng ibang babae"
"Alam ko, sinabi na sa akin ni Roy na lesbian ka" biglang nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Roy, si Roy naman ay napatingin sa taas "Kaya nakahanda naman akong paturuan ka na kumilos nang parang babae, kahit pa magbayad ako"
"Eh Sir bakit ako ang napili niyo?" tanong niya dito, tumingin naman si Gino sa kanya, sinipa naman siya ni Roy sa paa para sawayin "Ah eh Sir kalimutan niyo na po yung tanong ko" sabay ngiti niya, parang nanlambot naman si Gino nang makita siyang ngumiti, parang gusto niya rin ngumiti pero pinigilan niya ang sarili
"By the way Lia, hindi ka dito titira, ihahatid ka namin sa condo ko, dun ka muna titira sa ngayon o hanggang sa matapos ang trabaho mo sa akin, ayokong malaman ng mga tao na dito ka nakatira sa akin, wag kang mag-alala malapit lang yun dito, dun na rin natin pag-uusapan ang mga details sa trabaho mo"
"O-kay po"
"Sige you can leave now, may mga gagawin pa ako, mamaya ihahatid ka namin sa condo, okay lang naman yun sayo Roy? O ako na lang siguro ang magdadrive"
"Sir okay lang po, ako na lang po ang magmamaneho"
"Okay sige, mamaya na tayo umalis, may tatapusin lang ako"
"Sige po labas po muna kami"
Paglabas nila ay pumunta sila sa kusina
"Tol, ang laki ng offer ni Boss sayo" ani ni Roy
"Oo nga tol, grabe tapos sa condo niya pa ako uuwi tapos sagot niya lahat"
"Sana pala ako na lang" biro ni Roy na nagbakla baklaan, at nagtawanan sila tapos ay sumeryoso rin
"Tol, sana makaya ko to"
"Kayanin mo tol, para sa pagsisimula mo"
"Pero tol may kasalanan ka sa akin"
"Ano naman yun?"
"Bakit sinabi mong tomboy ako"
"Yaan mo na yun" natatawa nitong sagot, "At least safe ka sa kanya, sabagay sa lakas mong sumuntok baka mapatulog mo pa siya pag may ginawang masama sayo"
"Siraulo ka rin eh noh"
Alas otso na nang umalis sila at pumunta sa condo ni Gino, naiwan na si Roy sa sasakyan, pag pasok sa condo ay simpleng simple lang ito, malayong malayo sa laki ng bahay niya, pag pasok ay makikita mo agad ang sala at kusina, meron din itong isang kwarto at CR, pero kung isa o dalawang tao lang titira dito ay ok lang, may sofa set din ito sa sala pati na rin isang 52" na led tv, meron din itong aircon, binuksan nito ang aircon pag pasok nila
"Lia, eto yung condo ko, dito ka muna titira, yung kwarto na yun, kwarto ko yun, pwede naman na dun ka rin muna matulog, tapos sa ref, hmmm, actually tubig lang ang laman ng ref, di bale, nakapag dinner ka naman na, bukas bago ako pumunta sa office dadaan muna ako dito, may tanong ka pa?"
"Wala na po Sir"
"Lia, just call me Gino okay? Baka kasi makasanayan mong tawagin akong Sir or Boss at madulas ka pag nakaharap tayo sa ibang tao", tumango naman si Lia
"Aalis na ako, ikaw na bahala dito, babalik na lang ako bukas" ani nito nang palabas na ng pinto, pero lumingon ulit ito "Lia.."
"Po?"
"Cut the po and opo"
"Okay"
"Sige magpahinga ka na, ilock mo na lang tong pinto"
Nasa kwarto na si Lia, pero hindi siya makatulog, namamahay kasi siya, may tv rin sa loob ng kwarto nito, at kama, walang disenyo ang kwarto, plain lang na brown ang pintura nito, iba rin ang aircon sa kwarto, masyadong seryoso si Gino naisip niya, ni hindi niya nakitang ngumiti ito, hindi rin naman nakasimangot pero hindi rin nakangiti, naisip niya mas gwapo siguro si Gino kung marunong ngumiti, gusto niya sanang itanong dito kung bakit kailangan nito ng magpapanggap na girlfriend, pero hindi na lang niya tinuloy, baka kasi mapurnada pa yung trabahong binibigay sa kanya.
Sa kwarto ni Gino, nakahiga na siya sa higaan niya, hindi niya makalimutan si Lia, mula nang makita niya ito kanina sa laundry area hanggang sa makausap niya sa opisina, lalo na ang ngiti nito, parang kumakabog ang dibdib niya, ngayon niya lang ito naramdaman, kahit kay Roxanne ay hindi niya yun naramdaman, pero pumapasok pa rin sa isip niya na pareparehas lang ang mga babae kapag naaalala si Roxanne, ang pananakit na ginawa nito sa kanya, pinilit na lang niya makatulog.