Iniuwi ni Don Ramon si Camille sa bahay saka siya bumalik sa ospital, kasalukuyang inooperahan si Gino, nakita niya si Lia na nakaupo malapit sa operating room, nakayuko ito at umiiyak kasama si Roy, nang makarating sa mga ito ang nangyari ay agad agad itong pumunta sa ospital, tumabi siya dito at hinawakan sa likod "Dad" yumakap si Lia sa kanya "Don't worry anak, maliligtas si Gino" "Sana nga Dad, hindi ko kayang mawala si Gino" "Wag kang mag-alala Lia, alam kong lalaban si Gino para sa inyo ni Camille" "Si Camille po?" "Sinabihan ko na si Yaya Net, na wag ilalabas ang bata, andun din si Sheila, dalawa silang magbabantay" "Tol, salamat" ani ni Lia kay Roy "Pasensiya na, huli na naming nalaman ang nangyari" "Okay na yun, basta salamat sa suporta" "Sabi ko naman, basta may problem

