Kausap ng kidnapper si Don Ramon, ito ang pinatawagan ni Carmen kay Jayson dahil hindi naman niya alam ang number ni Gino, kaya hindi rin nasagot ni Gino ang tawag ni Roxanne dahil kasalukuyan ngang kausap ng daddy niya ang mga kidnappers "Dad anong sabi?" "Son, they want us to give them 500M each for Lia and Camille" "What?!" "Yes, tatawag daw ulit sila" "1Billion Dad?" "Oo nga, napakalaking halaga nun" "May pera si Lia pero I doubt na pwede nating galawin yun, nakapangalan yun sa kanya" "Makakapagbigay naman tayo ng hinihingi nila anak, pero masasakripisyo ang negosyo, masyadong malaki yun, di bale kung hindi tayi nag eexpand ngayon" ani ni Don Ramon, napailing naman si Gino nang bigla niyang maalala na tingnan ang cellphone niya, nakita niyang may mga miscall si Roxanne at messa

