Pinakuha ni Carmen sa tauhan si Roxanne, at dinala sa dining para kumain, hindi kumibo si Roxanne, may nabubuo siyang plano sa isip niya "Kumain ka na Roxanne" "Ma, I want to see Lia" "No" "Ma, payag na ako sa gusto mo, I just realized na tama ka, pero sa US na tayo titira promise? At hindi na tayo babalik dito" "Oo anak, mabuti naman at bumalik ka na sa matinong pag-iisip, bakit nga pala gusto mong makita si Lia?" "Gusto ko kasing gumanti" "Gaganti?" "Yes Ma, sinapak kasi ako niyan, gusto kong gumanti sa kanya" "Hmmm, sige mamaya, kumain ka muna anak" at kumain na nga si Roxanne pero hindi niya halos malunok ang pagkain, maya maya ay pinapasok siya sa loob ng kwarto kung nasaan si Lia, inilock niya ang pinto at tumayo sa harapan nito, nakatingin lang si Lia sa kanya na tila galit

