Tatlong araw nang hindi pumapasok si Gino sa opisina, depress na depress na siya, hindi niya alam ang gagawin kung paano pa pababalikin ang mag-ina niya, lagi lang siyang nakakulong sa kwarto, tinatawagan niya si Lia pero hindi siya nito sinasagot, kahit si Don Ramon ay hindi rin sinasagot ni Lia, namimiss na niya ang apo, pero may kasalanan si Gino, at naiintindihan niya ang nararamdaman ni Lia. Sa kabilang banda naman, pauwi na si Roxanne nang makita niyang may lumabas na van galing sa bahay nila, bigla siyang kinutuban, hindi niya alam kung sino ang may ari nun at parang may nagsasabi sa kanya na may mangyayari na hindi maganda, kaya imbes na umuwi ay sinundan niya ang van kung saan ito papunta, pumunta ito sa isang hotel along Manila, nakita niyang bumaba si Jayson sa van at may mga k

