Nagpunta si Lia sa mall para bumili ng gamit ni Camille, si Mang Pol ang nagdrive para sa kanya, pagkatapos niya mamili ay naisipan niyang itake out ng lunch ang asawa, pag dating sa building ay diretso na siya sa opisina ni Gino, sumenyas lang si Lia kay Sheila, at tumango naman si Sheila, pag bukas ng pinto ay nakita niyang magkayakap sina Roxanne at Gino, biglang naghiwalay ang dalawa pagka kita sa kanya "Lia, let me explain" ani ni Gino "Ano pang ieexplain mo Gino?" "Wala kaming ginagawang masama" "Anong tawag mo sa nakita ko?" "May problema si Roxanne" "Ganyan ka ba talaga Gino? Lahat ng may problema yayakapin mo?" "My God Lia please" "Ano? Ako nanaman ang mali?" "Lia please makinig ka muna kay Gino" ani ni Roxanne "Hindi kita kausap Roxanne kaya tumahimik ka" sagot ni Lia

