Lumipas pa ang ilang buwan, patuloy pa ring naninirahan ang mag-inang Carmen at Roxanne kasama si Jayson sa bahay na ipinamana kay Lia, wala rin naman talagang balak si Lia na paalisin pa ang mag-ina sa bahay na yun, nakakalakad lakad na rin si Camille pero pakonti-konti pa lang, si Gino naman ay sobrang busy na sa opisina, tuluyan na rin kasing nagretire si Don Ramon, dagdag pa yung pag-aasikaso niya sa mga iniwan ni Lucas para kay Lia, minsan ay nakakauwi na siya ng bahay na almost hating gabi na, tulog na ang anak at minsan pati si Lia ay tulog na rin, pero madalas ay inaantay siya nito, dumating siya sa bahay na si Lia ang nagbukas ng pinto sa kanya, halos 12 midnight na yun "Gino" sabay halik sa pisngi ng asawa "Bakit gising ka pa?" takang tanong ni Gino "Inaantay kita eh, kumain k

