Nanatili nga sa opisina si Roxanne pero hindi na niya masyadong pinupuntahan pa si Gino, sa totoo lang sa nangyari sa kanila ngayon ng Mama niya ay narealize niya yung mga maling ginawa nila, nagpapasalamat nga siya dahil pinabayaan siya ni Lia na manatili sa opisina at hindi pa rin sila pinapaalis ng Mama niya sa bahay, pag uwi niya ay nakita niya ang ina na nakikipaglampungan kay Jayson, napailing na lang siya nang makita siya ng ina "Anak, andyan na pala ang prinsesa ko" ani ni Carmen, tumayo ito para lumapit sa anak "Ma, bakit andito yan?" nakakunot ang noo niyang tanong "Anak naman, dito na siya titira" "Ma baka nakakalimutan mo na hindi na atin tong bahay na to, anytime pwede tayong paalisin ni Lia dito" "No, akin to, atin to" "Ma, pwede ba ayusin na lang natin ang buhay natin,

