"Punyetang Lucas yan!" ani ni Carmen nang makauwi sila sa bahay, inihagis nito ang bag sa sofa "Paano na ngayon to Ma?" ani ni Roxanne "Hindi ko alam, kailangan mabawi natin lahat nang kinuha sa atin ng Lia na yun" "Paano nga? Sa kanya na ibinigay lahat, tapos itatapon pa tayo sa Pandi?" "Wag kang mag-alala anak, ako ang bahala, ituloy mo lang pang-aagaw mo kay Gino, wala naman silang sinabi na hindi ka na papasok sa opisina tama?" "Isa pa yan, hindi ko pa yan nalinaw, kaya ako andun dahil magkasosyo sila ni papa sa negosyo, eh paano ngayon yan? Pati ang business na yun ay binigay na rin kay Lia, ano pang gagawin ko dun?" "Kausapin mo si Gino, magbait-baitan ka muna sa kanya, kailangan nasa opisina ka pa rin Roxanne para alam mo ang mga kilos nila" "Sige Ma, susubukan ko" "Wag mong

