Pagkauwi sa bahay ay diniretso ni Gino si Lia sa kwarto nila, nahiga na si Lia, kumuha si Gino ng damit pambahay ng asawa "Lia, tara magbihis ka muna" "Ako na" at umupo ito sa kama, inalalayan na lang ito ni Gino sa pagbibihis, nang matapos ay napangiti si Gino kay Lia at hinalikan sa labi si Lia, matagal "Asawa ko dito ka lang sa tabi ko please?" ani ni Lia sa pagitan ng halik "Sige...tatawagan ko lang si Sheila sasabihin kong hindi muna ako papasok at icancel lahat ng appointment ko" at tinawagan na nga nito si Sheila, tumayo naman si Lia at si Gino naman ang kinuhanan ng pambahay, bumalik ito sa higaan dala ang tshirt at short ni Gino "Halika dito asawa ko, bibihisan kita" "Ako na lang, magpahinga ka" ani ni Gino "Ayoko, gusto ko ako magbibihis sayo" maktol nito "Ako na lang mis

