Dumaan lang ang ilang araw ay dumating na ang DNA Result nina Lia at Lucas, pagkakita ni Lucas sa result ay nagpunta na ito sa bahay ni Don Ramon, pagbaba ni Lia at Gino ay nag-uusap na si Don Ramon at Lucas, inabot ng huli ang sobre kay Gino, kinuha naman ito ni Gino at binasa tapos napatingin kay Lia na hindi mapakali "Lia...siya ang tatay mo" ani ni Gino, tuluyan nang tumulo ang luha ni Lia at napatingin kay Lucas, si Lucas ay umiiyak na rin, lumapit ito kay Lia at niyakap "Anak ko, ang tagal kitang hinanap, ang tagal kang hinanap ni tatay, patawarin mo ako anak" inangat ni Lia ang kamay para yumakap na rin kay Lucas "Tay" ani niya, iyakan lang sila ng iyakan, maya maya ay humiwalay si Lucas at hinawakan si Lia sa mukha "Anak babawi si tatay sayo, babawi ako sayo anak ko" tumango la

