Lumipas pa ang mga araw, papunta si Jeff sa Jewelry Store na pag-aari niya, ang MYLE Jewelry Store, naglalakad siya nang may napansin siyang poster, napatingin siya dito at napangiti, naalala niya eto yung kambal na nanalo sa isang kids show "Ang kucute naman talaga nila" ani ni Jeff sa sarili saka umalis na at nagpunta na sa store, tiningnan niya poster ng kwintas nakatulad ng binigay niya kay Elise, ang pagkakaiba lang ay may mga diamonds ang mga letra, oo diamonds ang mga batong nakalagay sa bawat letra, pumasok na siya, napansin niyang kausap ng isang sales clerk niya ang may edad na lalaki at tila hindi magkasundo ang mga ito, kaya lumapit siya sa mga ito "Sir Good afternoon po" ani ng clerk "Good afternoon, may problema ba?" "Gusto ko sanang mabili yung necklace na nasa poster" a

