Nakangiting ibinigay ni Dok Sandro ang papel na dapat pirmahan bago isagawa ang pagretoke ng mukha. Nais ng kaharap na buong mukha na ang tanggalin. Para isang sakitan na lang daw at isang bagsakan na lang kumbaga. Alanganin pang tumingin sa kaniya ang babae na hindi kuntento sa kaanyuan kaya nais na ipabago, bago mabilisang pumirma. Ngumiti ng tipid bago ibinalik sa kaniya ang ballpen at kontrata. Tumayo na si Dok Sandro at pinasunod ang may kaliitang babae. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito nang makita ang nagkalat na mga mukha saan man siya tumingin sa loob ng kuwartong iyon. Pinapili siya ni Dok Sandro ng nais niyang kapalit ng kaniyang lumang mukha. Nagniningning na itinuro nito ang isang sa tingin niya ay ang pinakamaganda! Pinahiga na siya ni Dok Sandro sa operating bed. "A

