Tahimik na nakaupo lang sa passenger's seat si Dianne. Mahigpit namang hawak ni Jules ang manibela at nanlilisik din ang mga mata. Napapalunok si Dianne dahil hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa dating kasintahan. Parang ang dumi-dumi nitong tingnan. Hindi man lang nag-ahit ng bigote at balbas. Hindi naman ganoon kahaba gaya ng buhok nito. Pero, malinis kasi ito sa katawan. "Pa-paano mo akong nakilala? Iba na ang itsura ko at..." Saglit na tinanggal ni Dianne ang panyo at dahil nahihirapan siyang magsalita. Ngumisi naman si Jules at saglit na tumingin sa kaniya. Para itong demonyo kung makatingin. Nagda-drugs ba ito? "Kahit ibahin mo ang itsura mo, makikilala pa rin kita. Besides, updated na ng selfies mo ang f*******: account mo." Ngumiti pa ito nang malawak bago itin

