FACE FOR SALE 7

679 Words

Isang estudyante naman na panggabi ang kinuhaan ni Dianne ng labi. Halos tatlong araw siyang hindi umuuwi sa kanila. Okay lang naman kay Doktor Sandro na doon siya sa clinic matulog. Para ma-monitor din nito ang kalagayan niya. Isang mamula-mula at manipis na labi ang kaniyang nakita sa hawak na salamin. Nag-pout pa siya at ngumiti nang malawak. "Ang ganda-ganda ko na!" natutuwang saad niya, habang ipinapaling-paling ang ulo sa magkabilaan. Pero, may nakaharang na malaking balat sa kanang pisngi. "Hindi pa maaari. Kailangang pagalinging maigi ang iyong mukha para mas maging maayos ito." Nakangiti si Dok Sandro habang nakatingin din sa salamin. Bigla kasing nawala ang mga ngiti nito nang mapatingin sa balat. At ang balat lang naman kasi ang magiging dahilan ng biglaang lungkot ni Dianne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD