Hindi makatingin ng diretso si Dianne sa harap ng doctor na si Sandro Villafe. Halos hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari at nasa harap na siya nito. Basta ang natatandaan niya, matapos niyang i-click ang Join Button, nag-fill-up siya ng On-Line form. At heto, ini-schedule siya three days after. Matipuno si Dok Sandro. Palaging may nakahandang ngiti at nakakaenganyo ang bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi. Iniligay ni Dok Sandro ang puting papel sa kaniyang harap. Nang iyuko ni Dianne ang ulo, isa iyong kontrata. May ballpen na kulay itim na sa ibabaw nito na parang wala na talagang atrasan ang kaniyang pagpirma. Napalunok pa ng ilang ulit si Dianne bago marahang dinampot ang ballpen. "Sige na, huwag ka ng magdalawang-isip pa. Isipin mo na lang na pagkatapos nito, g

