"Kinse pesos isang oras," saad ng binatilyong hindi man lang tumitingin kay Dianne. Abala sa nilalarong on-line games. Iniabot ni Dianne ang trenta pesos bago dumiretso sa bakanteng computer sa may dulo. Sabagay mas gusto niya iyon kesa ang nasa gitna ng mga nagkakagulong mga estudyante. Karamihan kasi e, nakikitambay lang habang nanonood sa mga tropa nilang naglalaro. Inilapag niya ang wallet sa gilid bago naupo. Wala siyang katabi dahil nagtipon ang mga iyon sa gitnang bahagi ng kompyuteran. Tsinek niya muna ang oras bago nagbukas ng email. Mag-e-edit muna siya ng resume. Pasado alas diyes na pala ng gabi. Pagkatapos kasing basta na lang siyang iwan kanina ni Jules, umuwi na rin siya. Tinawag niya ang kapatid at iniabot ang bag at ang pinabalot na pagkain at kinuha lang ang wallet. Is

