"'Nay, narito na po ako." Pabagsak na naupo si Dianne sa pang-isahang sofa bago hinubad ang rubber shoes. Saglit na hinilot ang mga paa dahil nangalay kalalakad kanina. Nag-unwind siya para kahit paano ay ma-relax ang utak. "Dianne, sa 'yo ba ito? Nahulog sa labahin mo. Buti na lang at hindi ko pa nilalabhan." Napakunot-noo si Dianne nang iabot ng ina ang tarhetang nakita niya sa C.R. sa restaurant. Paanong napunta iyon doon e, sa bag niya iyon inilagay? Kinuha niya lang iyon at inilapag sa lamesitang nasa harap. Dinukot sa shouler bag ang sobreng puti. Sampung libo rin iyon. Mukhang pinaghandaan talaga ng panot na iyon ang pera para hindi na siya makapagreklamo pa. "'Nay o, pandagdag sa pambayad ng kuryente at baon na rin ni Demi." Ang bunsong kapatid na nasa high school ang kaniyang

