"Dianne, gising na. Papasok ka pa." Ni hindi man lang tuminag si Dianne sa pagkakahiga. Nanatili siyang nakabaluktot habang yakap nang mahigpit ang hotdog pillow. Pasimpleng nagpahid ng luha at suminghot. Hindi naman nakaligtas sa inang si Ditas ang ginawi ng anak. Lumapit siya rito na nakatalikod sa kaniya, umupo siya sa katre at marahang hinawakan iyon sa balikat. "Anak, kung gusto mong sabihin kay nanay, makikinig ako." Hindi pa rin lumilingon si Dianne at nanatili pa rin siyang tahimik. Buti na lang at may pera siya sa bulsa ng pantalon no'ng gabing iyon. Gawain niya kasi iyon para kung ganoon ngang emergency, may madudukot siya. Mahabang lakarin muna ang naganap bago siya nakasakay. Bumaba siya ng presinto para ipa-blotter ang nangyari. Hindi man siya umaasang mababalik ang pera a

