Hindi makahuma si Dianne nang madatnan ang nobyong hubo't hubad sa condo nito. Ang masaklap pa, nakapatong ito sa babaeng ganoon din ang itsura; hubad. Lagapak nang nabitawan niyang bote ng alak ang nakapagpalingon sa dalawa. Siguro, dahil sa sobrang ligaya nila sa kanilang ginagawa, hindi nila namalayan na naiwan nilang bukas ang pinto sa labas, pati na rin ng kuwartong ito. At malamang din ay hindi nila ini-expect na darating siya. Siya na tunay na nobya ng lalaking ito na hindi man lang nataranta nang masilayan siya. Balewala itong tumayo mula sa pagkakadagan sa babaeng nagtapi lang ng kumot. Hinagilap naman ng walang hiya niyang nobyo ang brief na nakasabit pa sa headboard ng kama at isinuot. Nais man ni Dianne na gayahin ang mga napapanood niyang chick flick sa tv na kung saan ay ma

