HATING gabi na nang dumating si Teofelo sa San Andres. Hindi na siya dumeretso sa bahay nila Tin-tin. Dala nang hiya niya na alanganing oras na siya dumating. Nakatitig na lamang siya sa labas ng bahay nila Tin-tin. Hindi man tumawag si Teofelo kay Tin-tin nakita ng binata na palabas ng bahay ang dalaga. “Teofelo,” masayang bati ng dalaga. Parang may kung anong pumintig sa sintido ni Teofelo matapos niyang marinig na tawagin siya si Tin-tin. Mayroon kung anong naalala siya nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Tin-tin. Maaring mukha nga ng kaniyang iniibig ang nasa harapan niya ngayon, ngunit sa kaniyang puso’t isipan nama’y hindi niya ito kilala. “Mahal ko,” ani Teofelo. Kailngan niyang maging maingat sa kaniyang bawat galaw. Hindi niya alam kung ano na ang nangyaya

