forty-one

1556 Words

MATAPOS ang lahat ng mga nakita ko bigla na namang bumalik sa kadilim ang lahat. Wala na naman akong nakikita na kahit na ano mula sa kung nasaan ako ngayon. Pero hindi ang madilim na lugar ang iniisip ko ngayon, hindi ang madilim na lugar ang ikinalulungkot ko ngayon. Iyon ay ang mga nakita ko kanina lang, si Teofelo kahalikan si Mirasol. Kahit pa sariling mukha ko ang nakikita kong kahalikan ni Teofelo, hindi pa rin maiaalis sa akin na hindi masaktan sa mga nakita ko. Kasi alam kong hindi ako iyon, alam kong hindi alam ni Teofelo na hindi ako ang kasama niya. Kaya mas nasasaktan ako kasi hindi man lang ba maramdaman ni Teofelo ang lahat. Na iba ang kasama niya ngayon at hindi ako. Nawawalan na ako nang gana, bakit kailangan na ipakita sa akin ni Mirasol ang lahat. Para mainggit ako?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD