Thirty-six

2221 Words

  NANG NAKALABAS na ako ng ospital sa San Andres na ako dineretso ng mga magulang ko. Sila na din ang nakipag-usap sa mga professor ko para ipaliwanag ang nangyari. Ang sabi naman ng ibang mga professor puwede nila akong bigyan ng remedial kapag magaling na talaga ako. Ngayon tinititigan ko ang pulso ko, nakabenta pa naman ang mga pulso ko. Pero nakita ko na ang sugat ko kapag nililinis ni Mommy o noong nurse nang nasa loob pa ako ng ospital. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nagawa kong maglaslas. Paano kung hindi ako nakita ni Teofelo, e’di nasirang Mirasol na ako ngayon. Hanggang ngayon din palaisipan pa rin sa akin kung bakit ko nagawa ang bagay na ito. Na talagang nagtangka akong magpakamatay sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi rin maalis-alis sa isip ko ang panaginip k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD