THIRD PERSON'S POV HINDI MALAMAN ng mag-asawa Villanueva kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang panganay na anak na si Mirasol. Bigla na lamang itong nawalan ng Malay. Sa katunayan niyan, nakamulat naman ang kanilang anak magpasa-hanggang ngayon. Ngunit kahit na anong tawag nila para magising ito ay balewala lamang. “Tin-tin,” humahangos na pumasok sa loob ng kuwarto ng dalaga ang pinsan nitong si Dominic. “Sh*t, why this is all happening?” ani ng binata ng makita ang pinsan niya. “Bakit Nic? May alam ka ba sa mga nangyayaring ito?” umiiyak na tanong ni Ginang Mercy sa binata. Hindi naman sinasadyang napatingin ang binata sa Ama ni Tin-tin. Umiling lamang ang Ama ni Tin-tin kay Dominic. Na ipinagtataka naman ng binata. “Nothing Tita Mercy, it’s just that this also happened to Dev

