HINDI NA BA matatapos ang nga problema ko. Puwede bang isang bagsakan na lang para naman isang beses na din akong madurog. Nasabi ko bang may online business ang Mommy ko at ngayon ay humaharap siya sa bankruptcy. Ilang libong piso ang na-scam sa kaniya. At hindi biro ang halaga na iyon sa Mommy ko, lalo pa at nandoon lahat nang ipon ng Daddy ko. Itinawag niya sa akin kagabi na limang supplier niya ang nang-scam sa kaniya. Binayaran niya ang mga item pero walang item ang dumating. Matagal na sa online business ang Mommy ko at ngayon Lang nangyari ito sa kaniya. Nagsubok Lang naman daw siya sa bagong supplier dahil mas mababa ang offer na presyo. Kaya ito na-scam naman siya, kahit magsisis ang Mommy ko huli na. Wala na siyang habol kasi hindi na niya ma-contact ang mga tao

