KINAKABAHAN ako, nanlalamig ang buo kong katawan habang papalapit kami sa bahay nila Teofelo. Ito ang unang beses na pupunta ako dito. At nakakasindak pa makikilala ko na ang mga magulang ni Teofelo. "Mahal ko, hindi mo kailangan na matakot sa aking mga magulang. Mababait sila at nais ka lamang nilang makilala," ani Teofelo. Pansin niya siguro na mukha akong natatakot o baka mas malala pa at mukha akong tinakasan na nang dugo sa buo kong katawan. Sobrang nanlalamig ang buo kong katawan. Nanginginig pa ako nang makita ko na ang gate ng subdivision kung saan nakatira si Teofelo. Hinawakan naman ni Teofelo ang kamay ko at mahigpit na pinisil ito. Wala naman siyang kahit na anong sinabi sa akin. Huminga ako ng malalim nang huminto kami sa tapat ng isang malaking gate. Halos huminto ang p

