PAKIRAMDAM ko wala naman akong ginagawa dito. Halos nakatanga lang ako sa buong duration ng shift ko sa trabaho. Pumapasok ako ng five o’clock ng hapon hanggang nine o’clock ng gabi every Monday, Wednesday and Friday. Samantalang three o’clock naman ng hapon hanggang seven o’clock ng gabi kapag Tuesday and Thursday. Kapag sabado at linggo wala akong pasok which is dapat meron pero wala akong schedule ng trabaho ng mga araw na iyon. “Tina tara meryenda,” aya sakin ni Mirna. Nakakadalawang linggo na akong pumapasok sa trabaho. Pero si Mirna lang ang naging malapit sakin. Iyong iba kasi ilag, alam ko naman kung bakit. Si Teofelo kasi, talagang pinandigan na niyang boyfriend ko nga daw siya. Pero ginagawa lang naman niya iyon kapag may ibang tao sa paligid namin. Pero kapag kaming dal

