HANGGANG ngayon tawa pa rin ng tawa si Devine sa tabi ko. Ako naman ilang na ilang, hindi ko alam kung papaano ako kikilos. “Divine, tigilan mo. Naiinis na ako ah!” saway ko sa kaniya. Mas lalong lumakas ang tawa niya nang magsalita ako, mapang-asar talaga ang gaga. “Can you speak again please,” sabi pa niya habang tumatawa. Inirapan ko na lang siya na mas ikinatawa na naman niya. I know why she’s laughing like that, nagmumukhang bakla si Kuya Nic while I’m the one navigating his body. Hindi ako sanay na ang naririnig kong boses ko ay lalaki, ang katawan ko mismo lalaki. Alam kong sira ang image ni Kuya Nic sa mga kinikilos ko pero hindi ko naman maiwasan na hindi pumilantik ang darili ko. Ang maging matinis ang boses ko, anong magagawa ko kung hindi ko kayang magpakalalaki for

