CHAPTER 8

1433 Words
Ipinarada ko ang kotse niya sa labas ng isang convenience store gusto ko kasing kumain kami ngayon ng ice cream. "What are we doing here, Vee?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa convenience store mula sa bintana ng kotse niya. "We're going to eat ice cream!" masiglang tugon ko. "What? Are you serious, Vee sa ganitong oras talaga?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Oo, bakit may tamang oras ba sa pagkain ng ice cream?" tanong ko naman sa kanya. "It's not that. Look, Vee it's late at baka magkaubo pa tayo." Wow sensitive. "Ang weak naman pala ng lalamunan mo sa lalamunan ko," nakairap kong tugon sa kanya. He chuckled. "Ayoko lang magkasakit ka, Vee." S**t na malagkit ang sarap na naman sa ears. Bigla tuloy bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pagmamalasakit niya sa akin. "Ice cream lang iyan, Lucho kaya keri lang," balewala kong tugon sabay labas mula sa driver seat. Agad akong umikot sa passenger seat upang pagbuksan siya ng pinto at hinila ko agad ang kamay niya kahit na may kabigatan siya ay nahila ko naman siya nang matagumpay. Pagpasok namin sa loob ng convenience store ay nakuha agad namin ang atensyon ng mga costumer pati na rin ng mga trabahador. Hindi rin naman namin sila masisisi dahil pansinin naman talaga ang kagandahan at kagwapuhan namin ni Lucho. "Kuya, may ice cream pa bo ba kayo?" tanong ko sa cashier. "Yes po, Ma'am meron po kaming bagong flavor peanut butter and coffee flavor po, " turan ng cashier. "Two coffee flavor please, " wika ni Lucho. Akala ko ba ayaw niya sa ice cream. "In a cup or cone, Sir?" tanong pa ng cashier. "Cone." Kaagad na ring hinanda ng cashier ang order naming ice cream na amaze pa ako sa kulay itim na cone na pinatungan mismo ng ice cream. Saglit lang ay binigay na rin ng cashier ang aming ice cream at binayaran na rin agad iyon ni Lucho at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli dahil lumabas na agad kami. "Sana sa loob na lang natin ng convenience store kinain 'to," nakabusangot kong wika sa kanya dahil dito namin kinakain ang ice cream sa loob ng kotse niya. "I'm not comfortable," simpleng tugon niya. Hindi na lang din ako umangal pa at kinain ko na lamang ang hawak kong ice cream habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi siya tignan na nilalantakan din ang ice cream niya. Ang sexy niyang tignan habang dumidila taas baba sa ice cream ultimo paglunok niya ay ang sexy ng dating. "Alam ko na kung anong itatawag ko sa'yo," biglang wika na nagpatigil sa pagdila niya sa ice cream. "Really? What is it?" excited naman agad niyang tanong. Atat much. "Sexy," malanding tugon ko naman agad. "Nice! Ang galing tama ka riyan, my binibini," My Binibini? Ibig sabihin ba ay 'yon ang itatawag niya sa akin? Not bad, actually it's sweet. "Makinig muna tayo ng kanta habang inuubos natin 'tong ice cream," wika niya at binuksan nito agad ang stereo. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kantang kasalukuyang tumutugtog sa radio. nakaka good vibes kasi at iniidolong boy band ko pa ang kumakanta. Ang ganda tuloy ng moment namin hinding-hindi ko ito makakalimutan. "Sarap no?" tanong ko sa kanya habang kumay pa rin ng ice cream. "Yeah." "Aayaw-ayaw ka pa ha?" Natawa naman siya sa sinabi ko. "It's not like that, hindi kasi ako mahilig kumain ng ice cream sa gabi," turan niya. "Ang sarap kaya kumain ng ice cream kapag gabi," giit ko naman. "Well you're right, nasanay lang kami siguro ng mga kapatid ko na pinagbabawalan ng ama naming kumain ng ice cream sa gabi," kwento pa niya. Naging interesado ako bigla sa personal niyang buhay kung kaya't tinanong ko ito. "Ilan ba kayong magkakapatid?" tanong ko. "Four, actually we're quadruplets." Nagulat ako sa sinagot niya. Akalain mo 'yon ang dami pala ng lahi nila. "Totoo? Wow!" tanging bulalas ko. "Yeah, don't worry maybe this coming weekend ipapakilala kita sa kanila." Natuwa naman ako sa sinabi niya nakakataba ng puso si Sexy. Na excite tuloy akong makilala ang buong pamilya niya. "Talaga ipapakilala mo ako sa kanila?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya ngunit nasa boses ko pa rin ang kalagakan. "Of course, remember maging sa kanila ay kailangan nating magpanggap?" paalala pa nito sa akin. Pero bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? E, totoo naman ang sinabi niya. I was only paid to be his fake girlfriend and his own escort girl. "Kaya ihanda mo ang sarilli mo dahil makukulit ang mga kakambal ko," saad pa niya at tila may pagbabanta pa sa boses niya. "Keri lang makulit din naman ako, e. Kaya magiging close kami ng mga kakambal mo," natatawang tugon ko naman agad sa kanya. "Parang tayong dalawa lang din close na close sa isa't-isa." Higit pa nga roon, e. "Well, you're funny and kind, Vee so I'm pretty sure they'll love your personality and your beauty." sinserong wika naman niya habang may ngiti sa kanyang mga labi. "Uy nagagandahan siya sa akin?" tudyo ko pa sa kanya. "Because you are, Vee sino nagsabing pangit ka at babalian ko ng katawan," ramdam ko pa rin ang sensiridad sa boses niya kahit na may halong galit ang huling mga salitang binitawan niya. Kinilig pa nga ako. "Grabe! Tama na, sexy baka bumigay na ako niyan sa mga banat mo," kunwari'y nagbibirong turan ko, kahit na sa loob-loob ko ay may halong katotohanan na. " 'Yan ang hindi mo pwedeng gawin, Vee remember no feelings involved tayo." Ouch! Sapul tayo do'n mars. Pero totoo naman kasi ang sinabi niya kaya dapat lang na hindi ko hayaang mahulog ang loob ko sa taong panandalian ko lang makakasama at higit sa lahat ay sa taong malabo akong mahalin. Kung anuman ang namamagitan sa amin ni Sexy 'yon ay s*x lang dahil nga personal escort girl niya ako. Sunod-sunod na pag-ubo ang narinig ko kay Lucho pagkatapos naming kumain ng ice cream kumati siguro ng husto ang lalamunan dahil hindi ito sanay kumain ng ice cream sa gabi. Kaya bumaba na agad ako ng kotse niya at pumasok sa convenience store para bumili ng bottled water. Ang sensitive naman pala masyado ng lalamunan ni Sexy. Nang makabalik ako sa loob ng kotse niya ay agad kong binuksan ang bottled water at pinainom ko agad siya ng tubig. "Okay na?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang uminom naubos niya ang laman ng water bottled. Ang kati talaga siguro. "Yes, salamat," pasalamat agad niya sa akin. "So, tara na?" tanong ko na sa kanya. Siya na kasi ngayon ang nasa driver seat at ako na ang nasa passenger seat. "Akala ko ba dadalhin mo ako sa langit," anas niyang wika. "Ito na nga kumain tayo ng ice cream tapos may pa sound ka pa o, 'di ba, heaven?" tugon ko. Heaven na kaya 'yon kasi ang sarap sa pakiramdam. "Pero ibang langit ang gusto ko." Takte! wala namang kapaguran ang lalaking ito. Na kulangan pa ba siya sa ginawa namin kanina? Nakailan din kaya kami. Mataman pa ako nitong tinignan bago pumakawala ng buntong hininga. "Fine, alam kong pagod ka na kaya ihahatid na lang kita." Salamat naman! Kaagad na nitong binuhay ang makina ng kotse niya saka pinaharurot patungo sa apartment ko. Minuto ang lumipas ay nakarating na nga kami sa tapat ng apartment ko. "Is this your place?" tanong niya habang tinitignan ang compound ng apartment ko mula sa bintana ng kanyang kotse. "Oo," tugon ko. "Maganda, komportable ka ba?" tanong pa niya. "Oo naman tsaka may dalawang kasama pa ako sa apartment," kwento ko pa, at tumango-tango naman ito. "Bye na, sexy para makauwi ka na rin at makapagpahinga," paalam ko na siya. Paglabas ko ng kotse niya ay binuksan pa nito ang bintana ng passenger seat at tinawag pa niya ako. "Goodnight, Vee." "Don't forget na may utang ka pa sa akin." Okay na sana, e. Alam ko na ang tinutukoy nitong utang 'yon ay ang byaheng langit. "Huwag kang mag-alala 'pag nakita ulit tayo pagsawaan mo 'tong katawan ko," pabirong wika ko na ikinatawa naman niya. "Sige na uwi ka na ingat," dugtong ko at isang kindat pa muna ang ginawad nito bago tuluyang umalis. Napailing na lamang ako sa kanya dahil sa katangiang meron siya. Mabait si Lucho at matulungin kahit na malibog siya. Sandali ko pa lang siyang nakasama pero hindi ako nahirapan na pakitunguhan siya hindi lang dahil magkasundo ang mga katawan namin pagdating sa kama kundi dahil may masiyahin siyang tao. Ang sarap sigurong makaroon ng isang Lucho Austria sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD