CHAPTER 7

1458 Words
Nagising ako nang may narinig akong langitngit at pagmulat ko ay si Sir L agad ang nakita ko na kakapasok lang mula sa pintuan ang opisina niya na may dala-dalang tray na may lamang pagkain. "Hi, gising ka na pala," nakangiting sabi niya. "Anong oras na?" tanong ko. "Eight." Kaagad naman akong napabalikwas mula sa sofa nahulog pa ang coat na nagsilbing kumot ko, saka ko lang din napagtantong may damit na ulit ako. Binihisan niya siguro ako wala na kasi talaga akong maalala pagkatapos ng mainit na tagpo naming dalawa. "Bakit hindi mo ako ginising?" bulalas kong tanong sa kanya. "Mahimbing kasi ang tulog mo kaya hinayaan na lang muna kitang matulog, " simpleng tugon lang niya sabay lapag ng tray sa center table at umupo sa isang couch. "Bakit may magagalit ba kung gabi ka na umuwi?" tanong pa niya. "Wala naman, " tugon ko at napatingin pa ako sa pagkaing nasa tray. Ito yung mga pagkain na kinain ko rin sa party niya. Specialty siguro nila ito sobrang sarap naman kasi ng mga pagkain na niluluto rito sa hotel niya. "Don't tell me may curfew ka pa sa inyo?" natatawang tanong pa ulit niya na nagpauntag sa akin. "Mas lalong wala, Sir," tugon ko naman agad. Hindi sana ako escort kung may curfew ako sa amin at hindi sana niya ako natikman 'pag nagkataon. " 'Yun naman pala, e. Kumain na muna tayo then after this hatid na kita sa inyo," saad niya sabay kuha ng mga pagkain sa tray at nilapag niya ito sa center table. "Ito na yung mga pinaluto kong pagkain kasi nakita ko kahapon sa party na ito ang mga kainain mo so, I assume na favorite mo ang mga ito." Mangha ko itong tinignan at lihim akong napangiti dahil napansin pala ako nito sa party. Ang buong akala ko kasi ay display lang niya talaga ako sa party niya. Pinagsaluhan namin ang mga pagkain at hindi ko maiwasang humanga sa kanya habang kumakain kami. Wala siyang tapon kung kumain at sarap na sarap din siya kinakain namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na siyang ihatid ako sa aming bahay at nag-utos pa ito ng staff para ligpitin ang pinagkainan namin. "May dadaanan ka pa ba bago kita ihatid sa bahay niyo?" tanong niya habang nandito na kami sa loob ng kotse niya. "Wala na po Sir," tugon ko naman agad. "Don't call me Sir anymore, Vee. Remember magiging jowa na kita," wika niya. "Call me by my name instead or kung anuman ang gusto mong itawag sa akin," dagdag pa niya na ikinataas naman agad ng kanang kilay ko. Ayos ah! "Ano tara na?" tanong niya. Kaagad naman akong tumango at binuhay na rin agad niya ang makina ng kotse niya saka tuluyang pinaharurot ang kotse niya patungo sa bahay ko. Alam na niya kung saan ako nakatira dahil tinanong niya ako kanina. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang may nakita kaming nagkukumpulang mga tao sa gitnang bahagi ng kalsada na naging ng sanhi ng traffic. Dala ng aking kuryusidad ay bumaba ako mula sa kotse ni Sir Lucho nang hindi nagpapaalam sa kanya. Paglapit ko sa dumadagsang tao ay nakita kong may kotseng nayupi ngunit duguan ang taong nasa driver seat. Humihinga pa ito at mulat pa ang mga mata pero nahihirapan itong huminga. "May tumawag na po sa ba sa inyo ng ambulance?" tanong ko sa mga tao. "Oo, Ms kanina pa kaso wala pa hanggang ngayon e," tugon sa akin ng isang lalaki. "Vee, wh—" naputol ang dapat na sasabihin ni Sir nang makita niya ang lalaking na aksidente. Sinundan pala niya ako. "Sir, dalhin po natin siya sa hospital baka po kasi maubusan siya ng dugo," nag-aalalang sabi ko sa kanya. At hindi naman siya nagdalawang isip dahil nagpatulong naman agad siya sa mga tao na makuha ang lalaking na aksidente sa kotse nito. Mabait naman pala itong si Sir Lucho,e. Dali-dali agad niya dinala ang lalaki sa kotse niya at sinakay habang ako ay nakasunod sa likod niya. Sumakay na rin agad ako sa backseat upang tabihan ang lalaking na aksidente mabuti na lang at mabilis din si Sir Lucho dahil wala pang sampung minuto ay nakarating na kami ng ospital. Kaagad naman siyang inasisst ng mga nurse sa hospital upang gamutin ang mga galos niya sa katawan. Maya-maya lang ay may lumabas namang isang babaeng nurse mula sa bed section ng lalaki. "Kaanu-ano po ba kayo ng pasyente?" tanong niya. "I'm the patient's fiancee." Sabay-sabay kaming napalingon sa taong nagsalita. Isa itong babae at hindi lang basta babae dahil matangkad ito, maputi at napakaganda. "Mabuti na po ang lagay niya, Ma'am mabuti na lang din at nadala agad siya rito sa hospital," litanya ng nurse sa kanya. Pero hindi na nag abala pang sumagot dahil tinungo agad nito ang bed section ng finacee niya. "Faith." Nahinto ang magandang dilag sa paghakbang ng tawagin siya ni Sir Lucho nagulat din ako dahil kilala niya pala ito at nang makita ko ang pagmumukha ni Sir ay mababanaag mo sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila. Kung kaya't maagap kong pinagsiklop ang aming mga kamay. Isang simpleng ngiti ang ginawad sa amin ng dilag at nagpalipat-lipat din ang mga mata niya sa amin. "Sorry, hindi ko kayo agad napansin," paghingi niya ng paumanhin. "Ayos lang naiintindihan naman namin." Totoong naiintindihan ko dahil matataranta ka naman talaga kapag na aksidente ang taong malapit sa puso mo. Pero itong katabi ko ay tila naging estatwa habang nakatingin sa babaeng kaharap namin. Dahil ang babaeng ito ay ang kanyang ex-girlfriend. "Kayo ba ang nagdala rito kay Troy?" tanong ng babae sa amin. "Oo," tugon ko naman. "Salamat, huwag kayong mag-alala kapag maayos na ulit ang lagay ni Troy babawi kami sa inyo para makita niya rin kayo at makapagpasalamat din siya sa inyo," litanya ng dilag. Isang alanganing tango ang tinugon ko sa kanya samantalang itong katabi ko ay isang alanganing ngiti naman ang ginawad niya. "Sige mauna na kami, lumalalim na rin kasi ang gabi, e," paalam ko na sa dilag dahil ramdam ko na ang awkwardness sa pagitan naming tatlo. "Sige ingat kayo," bilin pa nito sa amin. Hinila ko na agad ang kamay ni Sir Lucho upang makalabas na kami ng emergency room. Pero nanatili pa rin itong tahimik kahit na narito na kami ngayon sa pwesto ng kotse niya. Tumikhim ako upang mabawasan ang mabigat na tensyon sa pagitan naming dalawa. "Tara na po, Sir?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. " 'Di ba sabi ko sa'yo huwag mo akong tawaging, Sir?!" galit niyang tanong sa akin sa malalim nitong boses. Napalunok naman agad ako dahil biglang binundol ng takot at kaba ang dibdib ko. Mukhang sa akin niya yata binuntong ang sama ng loob niya sa ex-girlfriend niya. Katakot naman ito. Sunod kong narinig ang marahas nitong pagbuntong hininga at napahilamos ito sa kanyang mukha gamit ang kanyang magkabilang palad. "I'm sorry, Vee I didn't mean it, sorry talaga," paghingi niya na tawad sa akin. Isang ngiting aso ang tanging naitugon ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. "Ayos lang Si— este Lucho pala," mahinang tugon ko naman agad sa kanya. "Sorry ulit, Vee nadala lang ako," paghingi ulit nito ng tawad. Saglit pang nanaig ang katahimikan sa pagitan namin nang may bigla akong naisip na paraan upang mawala kahit papaano ang inis o, lungkot na nararamdaman ni Lucho. "Lucho, okay lang ba kung ako ang mag drive ng kotse mo?" Kaagad namang tumaas ang makapal nitong mga kilay at ang mga mata niya ay nagtatanong habang nakatingin sa akin tila ba wala itong tiwala sa akin. "You know how to drive?" tanong niya sa nagdududa nitong tono. Hindi naman siguro ako mag p-presentang magmaneho kung hindi ako marunong. "Naman, Lucho! Ano akala mo sa akin sa kandungan mo lang magaling?" mataray kong tugon na ikinatawa naman agad niya. " 'Yan ganyan dapat," nakangiting wika ko sa kanya na ang tukoy ay ang mga ngiti sa kanyang mga labi. "What?" kunot noo naman niyang tanong sa akin. "I mean your smile, dapat smile ka lang 'lagi," tugon ko. "Para mas lalo akong maging sexy?" tanong pa niya habang tinaas-taas ang kanyang mga kilay. Yabang! Pero pwede na rin it's better to see him smiling, hindi kasi bagay sa kanya ang maging malungkot. Para siyang Kuya na hindi marunong magpaligaya ng babae sa kama o, sa kahit saan. "Tara na dahil may pupuntahan tayo," pag-aya ko na sa kanya. "Oh? Where?" makahulugang tanong naman agad niya. Ang libog talaga. "Sa langit, baby," bulong ko sa tenga niya sa nakakaakit kong boses. Agad itong napamura ng malutong lalo na nang halikan ko ang kanang pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD