Sinunod ko ang payo sa akin ng isang Ekstrang Hera na si Tori Marie, dahil sinulat ko nga sa binigay niyang papel ang mga nais kong sabihin kay Lucho. Habang isa-isa kong sinusulat ang mga salita sa papel ay unti-unti rin akong nasasaktan pinipilit kong hindi maiyak sa loob ng coffee shop baka kasi ano pa ang iisipin ng mga tao sa akin. Pagkatapos kong isulat ang liham ko para sa kanya ay pinasuyo ko na lamang ito sa isang waiter at kaagad na akong umalis. Ayoko na kasing magpang abot pa kami dahil malamang sa malamang ay matutukso lang ulit akong bumalik sa kanya. I need to save myself before it's too late. Habang naglalakad ako papalayo ng coffee shop ay parang dinudurog din ang puso ko dahil sa isiping hinding-hindi ko na makikita ulit si Lucho. Mamimiss ko ang kulay asul niyang mga

