Lumipas ang mga araw at linggo pero walang Lucho ang dumalaw sa akin dito sa apartment. Nakakalungkot pero hinayaan ko na lang din baka busy na rin kasi siya at may nagpapaligaya ng ibang babae sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti kong kinalimutan si Lucho pati na ang pagmamahal na minsan kong inalay sa kanya. May mga pagkakataon pa ring namimiss ko siya pati na ang mga maiinit naming tagpo pero kaagad ko iyong inaalis sa isipan ko. "Ehem!" "Oh, Tim nandito ka na pala," wika ko kay Timmy. Hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala ito, kasalukuyan kasi akong nagpapahangin sa balcony ng apartment. "It's been what, Three? Four weeks? Pero tahimik ka pa rin," may pag-aalalang wika ni Timmy sa akin. "Vee, ano ba ang bumabagabag sa'yo?" tanong nito sa akin. "Dati hind

