"Congratulations, Vee!" masayang bati sa akin ni Timmy. "Congratulations, Ate Vee proud na proud kami sa'yo!" Demi. Finally after four years ay nakagraduate na rin ako sa kursong Engineering. Lahat ng pagod, iyak at puyat na pinagdaan ko lahat ay worth it dahil sa wakas ay isa na akong Engineer. "Salamat sa inyo!" pasalamat ko naman agad sa kanilang dalawa at niyakap ko ang mga ito. Sina Timmy at Demi ang saksi sa hirap na pinagdaanan ko noong nag-aaral pa ako kaya karapat-dapat lang talaga na nandito silang dalawa sa araw ng aking pagtatapos. "Finally, Ate Vee, Engineer ka na talaga," proud pang saad ni Demi sa akin. "Oo nga," sabat naman ni Timmy. "Thank you talaga sa inyo kasi hindi niyo ako iniwan," madamdamin ko pang wika sa kanilang dalawa. Palagi kasi talaga silang nandiya

