“What’s your order ma'am?” tanong ko sa customer na nasa harapan ko.
Nasa trabaho ako ngayon, 9pm na and malapit nadin kaming mag-sara puro nalang din take out orders natatanggap namin.
Konti na lang din naman ang pumapasok, excited nadin naman akong mag out kasi inaantay ako ni Lucien.
Tiningnan ko naman siya na nakaupo malapit sa bintana. Ngumiti naman ako pagkaharap niya sakin. 10pm na at nag umpisa na kaming magligpit dahil magsasara na kami.
Sa labas nadin nag antay si Lucien.
“Mauuna na po ako ma’am.” paalam ko sa manager namin.
“Sige Sera, ingat sa pag uwi at kanina pa iyan nag aantay ang boyfriend mo.”
Ngumiti lamang ako at lumabas na ng shop. Nilapitan ko naman agad si Lucien.
“Sinabi ko naman sayo, na resched nalang natin yung date. Nag antay ka tuloy ng matagal.”
“It’s okay, you’re worth the wait.” napangiti naman ako.
Sabagay sa tagal din naman kasi netong nanliligaw sakin from the orientation, hanggang ngayon I think nasa 6 months na.
“Pano yan sarado na siguro ang mga resto, baka gutom ka na.”
“Then let’s go to the hilltop, bibili nalang tayo ng foods sa drive tru or 7/11. Kung ano nalang yung madaanan natin.”
“Ano yung hilltop, saan yan?” tanong ko sa kanya.
“Basta, tara.” inalalayan niya naman akong makapasok sa kotse niya.
Nag-maniho lang ito, habang nasa byahe kami tahimik lang kaming dalawa. Parang walang gusto mag first move.
“Gusto mong makinig ng music?”
“Ahh sige, hehe.” naiilang kung sabi.
NOW PLAYING - Until I found You By: Stephen Sanchez
Dumaan na din pala kami sa Jollibee at 7/11. Para bumili ng makakain. Andami ngang binili ni Lucien. Daig pa neto ang nag grocery.
Napansin ko ding parang kakahoyan na yung sa paligid namin, jusko wala bang aswang dito. Nasa manila pa ba kami?
Parang nasa horror na kami alam niyo yung daanan lagi ng mga biktima, tas may biglang may haharang sa daan.
“Don’t worry Sera, it’s safe here. Hindi naman tayo malayo sa Manila, and private hilltop ito.” pampakalma niya sa akin.
Napansin ata nitong medyo natatakot na ako sa dinadaanan namin.
“Hindi lang kasi ako familliar sa dinadaanan natin, sure ka bang walang aswang dito?” naninigurado ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng biglang humalakhak ito, natulala naman ako sa pag titig sa kanya sobrang gwapo ba naman pag tumatawa. Dinaig pa mga international artist.
“Silly, of course walang ganyan dito. Tsaka naniniwala ka pa rin ba sa mga ganyan urban legend lang yang mga yan.” explain niya.
“OO no, tsaka sabi nila nanay at tatay meron daw aswang sa probinsya namin.”
“Ok..Ok HAHAHA.” pagsuko nito pero hindi pa rin tumitigil sa pag tawa, natatawa na lang din ako sa mga pinag uusapan namin.
Wala kasing gustong mag patalo sa aming dalawa.
“We’re here.”
Bumaba na kami ng kotse niya, may isang bench naman sa unahan. And I was really shocked by the view. As in sobrang ganda,
Kitang kita dito city lights, buong metro manila yata makikita dito.Grabe may lugar palang ganito.
“Ang ganda.” pumikit pa ako at dinadamdam ang lamig ng hangin.
“Yeah. So beautiful.”
“Baka gutom ka na let’s eat.” pag aaya ko sa kanya.
Umupo na naman kami dun sa bench, may dala din itong camping table dun namin nilagay ang mga pagkain.
Para namang prepared ang isang ito HAHAHA.
“Paano mo nahanap ang lugar nato?” tanong ko.
“Actually it’s a family property. Lagi akong pumunta dito kapag gusto kung mag pahinga.”
“Ahhh, grabe sobrang ganda dito no. Nakakawala nang problema.”
“It is. This is one of my favorite places.”
Nagpatuloy naman kami sa pagkain.
“Bakit mo pala ako nagustuhan?” lakas ng loob na tanong ko.
“Cause you’re simple and gorgeous. I like who you are.”
“Di nga?”
“Yeah, the first time I saw you. Na love at first sight agad ako sayo, at first never ako naniniwala sa mga ganyan. But nung makita kita I think I am believing in love at first sight.”
Nakangiti niyang paliwanag sakin.
“And you know what, I can't take my eyes on you since the day I saw you. Kaya nga lumapit agad ako sayo nun and to tell you that I’m your suitor, period.” natatawa pa siya.
“Gulat nga ako nun, I don't even know you and I think hindi mo din ako kilala pa ng lubusan right?”
“Yes, my friend of mine said your name only then, I confess.”
Tumawa na lang kaming dalawa, sa mga nangyari before.
“Sera, I want it to be official. I know to myself na naging possessive ako pagdating sayo. Well you can’t blame me, ayaw kung maunahan ng iba. You’re mine. I like you__________I mean no, I think. I love you, naiisip ko pa lang na may boyfriend kang iba, it’s killing me. I may not be a perfect man, but I can be a perfect man for you, I’ll do everything for you. Sera, I don’t like promises, cause promises are meant to be broken. Pero isa lang ang masasabi ko, I Alexander Lucien Kingsley will loved you forever. No matter what, Seraphina Sinclair, will you be my girlfriend?”
0_0 Totoo ba to? Kurutin niyo nga ako jusko. Should I say Yes, kasi alam ko naman sa sarili ko na nagustuhan ko na siya.
“Lucien, at first hindi naman talaga kita gusto. Kasi wala naman talaga akong balak mag boyfriend while I’m studying, may rules din ako sa sarili ko. Pero simula ng makilala kita sa loob ng 7 months, I felt how genuine you are. Nararamdaman ko din kung paano mo ako protektahan at alagaan. Hindi naman siguro ako manhid, para hindi maramdaman yun. And siguro I’m breaking my own rules_____
YES____pumapayag na ako maging Girlfriend mo. You’re my first boyfriend kaya ingatan mo ang puso ko okay.”
“What?” tanong niya ulit. Parang naninigurado sa narinig nito.
“Oo, yes, I agree. Girlfriend mo na ako.” nakangiting sabi ko.
“Ghaddd! Yes….!!!” sigaw niya naman at binuhat ako at umikot.
“Thank you for giving me a chance,Sera. I won't break your heart.” sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.
I still can’t believe that, I Seraphina Sinclair is OFFICIALLY GIRLFRIEND of Alexander Lucien Kingsley.